Pumunta sa nilalaman

Shamisen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang lumang larawan ng isang babaeng Hapones na tumutugtog ng Shamisen.

Ang shamisen o samisen (三味線, literal na "tatlong bagting"), na tinatawag din bilang sangen (三絃, literal na "tatlong kuwerdas"), ay isang instrumentong pangmusika ng Hapon na mayroong tatlong mga bagting o kuwerdas na pinatutugtog sa pamamagitan ng puwa o panipa (pangtipa) na kung tawagin ay bachi. Ang pagbigkas na Hapones ay karaniwang "shamisen" subalit kung minsan ay nagiging "jamisen" kapag ginamitan ng isang hulapi (halimbawa na ang Tsugaru-jamisen).[1] Sa kanlurang Hapon, at madalas mula sa mga napagkunang mga sanggunian mula sa panahon ng Edo, ang pagbigkas sa kung minsan ay "samisen".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Stringed Instrument Database". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-01-14. Nakuha noong 2014-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

MusikaHapon Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.