Pumunta sa nilalaman

Shaḥar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Shaḥar ang Diyos ng bukang-liwayway(dawn) sa pantheon ng relihiyong Ugaritiko. Siya at ang kanyang kambal na si Shalim ay anak ni El.[1]

Sa wikang Arabe, Sahar (سحر) ang salita para sa "madaling araw" at nagmula sa parehong Semitikong ugat. Makikita ang ugat na ito sa Suhoor (سحور), ang pagkain bago ang madaling araw na kinakain ng mga Muslim tuwing Ramadan.

Sa Aklat ni Isaias 14:12, si Shahar ang ama ni hêlēl o isang nagliliwanag (na tumutukoy sa hari ng Babilonya) na isinalin ni Jeronimo sa Latin na Vulgata bilang Lucifer at iniugnay ng mga Kristiyano kay Satanas. Ang saling Lucifer na kinopya ng bersiyong Ingles ng Bibliya na King James Version (1611) ay inabandona na ng mga modernong salin ng Bibliya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hinnells, John R. (2007). A Handbook of Ancient Religions (sa wikang Ingles). Cambridge: Cambridge University Press. p. 122.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)