Sheikh Ahmad Bashir
Sheikh Ahmad Bashir | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Enero 1919 |
Kamatayan | 10 Hulyo 1989 Lungsod ng Iligan, Lanao del Norte, Pilipinas | (edad 70)
Mamamayan | Pilipinong Muslim |
Asawa |
|
Si Sheikh Ahmad bin Haji Bashir Mohammed Shafi, (Arabe: الشيخ أحمد بن حاجي بشير محمد الشافي) (1 Enero 1919 – 10 Hulyo 1989) ay isang Pilipinong-Muslim na alim, dating presidente at ang tagapagtatag ng Agama Islam Society.[1]
Pagkabata at pag-aaral
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Sheikh Ahmad ay ipinanganak noong unang araw ng Enero 1919, sa Miondas, Tamparan, Lanao del Sur.[2]
Taong 1951 nang magtungo si Sheikh Ahmad sa Hejaz upang paghandaan ang mataas na edukasyon at karagdagang pagpapatuloy sa kanyang pag-aaral sa Makkah o Mecca. Siya ay pumasok sa Paaralang Al-Falah sa Makkah, isang paaralang pang-agham ng relihiyon hanggang sa siya ay nakapagtapos noong taong 1953; at sa kalaunan ay pumasok pa sa Paaralang Al-Soltiyyah sa Dakilang Moske, na matatagpuan din sa Makkah. Siya ay ginawaran ng degring Agham Islamiko, na itinuturing na pinaka-mataas na antas ng pag-aaral sa relihiyon sa taong iyon sa 'Banal na Masjid.'[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ (sa Ingles) Developer section. Resource files--Maranao Naka-arkibo 2011-05-18 sa Wayback Machine.. Al-quran.Info, nabawi noong 21 Pebrero 2012
- ↑ 2.0 2.1 (sa Arabe) Visit to the University of Muslim Mindanao Al-rawdah.Net, nabawi noong 21 Pebrero 2012
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jamiatu Muslim Mindanao Naka-arkibo 2022-01-08 sa Wayback Machine.
- Al-rawdah.Net