Pumunta sa nilalaman

Sicilia

Mga koordinado: 37°36′00″N 14°00′55″E / 37.599958°N 14.015378°E / 37.599958; 14.015378
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sicily

Sicilia
Watawat ng Sicily
Watawat
Eskudo de armas ng Sicily
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 37°36′00″N 14°00′55″E / 37.599958°N 14.015378°E / 37.599958; 14.015378
BansaItalya
KabiseraPalermo
Pamahalaan
 • Pangulo[[Raffaele Lombardo]] ([[MpA]])
Lawak
 • Kabuuan25,708 km2 (9,926 milya kuwadrado)
Populasyon
 (February 28, 2010)
 • Kabuuan5,043,083
 • Kapal200/km2 (510/milya kuwadrado)
DemonymSicilian
Pagkamamayan
 • Italyano98%
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
GDP/ Nominal€ 83 billion (2006)
GDP per capita€ 16,532 (2006)
Rehiyon ng NUTSITG
Websaytwww.regione.sicilia.it

Ang Sicilia o Sicily (Italyano: Sicilia [siˈtʃiːlja]; Sicilian: Sicilia  [sɪˈʃiːlja]) ay ang pinakamalaking pulo sa Dagat Mediteraneo at isa sa 20 rehiyon ng Italya. Ang Kipot ng Mesina ay naghihiwalay dito sa rehiyon ng Calabria sa Timog Italya. Ito ay isa sa limang Italyanong nagsasariling rehiyon at opisyal na tinutukoy bilang Regione Siciliana. Ang rehiyon ay may 5 milyong mga naninirahan. Ang kabeserang lungsod ay Palermo.

Ang Sicilia ay nasa gitnang Dagat Mediteraneo, timog ng Tangway ng Italya sa kontinental na Europa, kung saan ito ay pinaghihiwalay ng makitid na Kipot ng Mesina. Ang pinakakilalang palatandaan nito ay ang Bundok Etna, isa sa pinakamataas na aktibong bulkan sa Europa,[2] at isa sa pinakaaktibo sa mundo, sa kasalukuyan 3,357 metro (11,014 tal) mataas. Ang isla ay may tipikal naklimang Mediteraneo.

Ang pinakaunang arkeolohikong katibayan ng aktibidad ng tao sa isla ay mula pa noong 12,000 BK.[3][4] Noong mga 750 BK, ang Sicili ay nagkaroon ng tatlong Punico at isang dosenang kolonya ng Gresya at kalaunan ay naging lugar ito ng mga Digmaang Siciliano at mga Digmaang Puniko. Matapos ang pagtatapos ng Romanong lalawigan ng Sicilia sa pagbagsak ng Imperyo ng Roma noong ika-5 siglo AD, ang Sicily ay pinasiyahan noong Maagang Gitnang Kapanahunan ng mga Vandal, ang Ostrogodo, ang Imperyong Bisantino, at ang Emirato ng Sicilia. Ang pananakop ng mga Normando sa katimugang Italya ay humantong sa paglikha ng Kondado ng Sicilia noong 1071, na pinalitan ng Kaharian ng Sicilia, isang estado na umiral mula 1130 hanggang 1816.[5][6] Nang maglaon, ito ay pinagsama sa ilalim ng Kapulungan ng Bourbon kasama ang Kaharian ng Napoles bilang Kaharian ng Dalawang Sicilia. Ang isla ay naging bahagi ng Italya noong 1860 kasunod ng Ekspedisyon ng Sanlibo, isang pag-aalsa na pinamunuan ni Giuseppe Garibaldi sa panahon ng pag-iisang Italyano, at isang plebisito. Ang Sicilia ay binigyan ng espesyal na katayuan bilang isang awtonomong rehiyon noong Mayo 15, 1946, 18 araw bago ang reperendong institusyonal ng Italya noong 1946.

Ang Sicilia ay may mayaman at kakaibang kultura, lalo na tungkol sa sining, musika, panitikan, lutuin, at arkitektura.

  1. "Statistiche demografiche ISTAT". Demo.istat.it. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-21. Nakuha noong 2010-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Etna & Aeolian Islands 2012 – Cambridge Volcanology". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-09-20. Nakuha noong 2022-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Maric, Vesna (2008). Sicily. Ediz. Inglese. ISBN 9781740599696. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Bain, Keith; Bramblett, Reid; Bruyn, Pippa de; Nadeau, Barbie Latza; Fink, William (7 Agosto 2006). Pauline Frommer's Italy. ISBN 9780471778608. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Pasquale Hamel – L' invenzione del regno.
  6. "Sicilia nell'Enciclopedia Treccani". www.treccani.it (sa wikang Italyano). Nakuha noong 22 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.