Silid-Aklatan ng Tianjin Binhai
Bansa | Tsina |
---|---|
Itinatag | 2017 |
Lokasyon | Distrito ng Binhai sa Munisipalidad ng Tianjin |
Mga Sangay | 1 |
Koleksyon | |
Laki | 1.2 milyong mga libro[1] |
Websayt | https://www.mvrdv.nl/projects/246/tianjin-binhai-library (Ingles) |
Ang Silid-Aklatan ng Bagong Lugar ng Tianjin Binhai ( Tsino ;Ingles: Tianjin Binhai New Area Library), na may katawagan na Ang Mata (The Eye), ay isang silid aklatan sa Tianjin, Tsina. Bahagi ito ng Sentrong Pangkultura ng Binhai, na isa sa limang pangunahing atraksyon nito.
Arkitektura at disenyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang limang palapag ng silid-aklatan ay may kabuuang sakop na 33,700 metro kuwadrado. [2] Nagtatampok ito ng mga naglalakihang estante mula sa sahig pataas sa kisame na may kakayahang humawak ng 1.2 milyong mga libro, at isang malaki, maliwanag na globo sa gitna na nagsisilbing isang auditoryum na may kapasidad na 110 katao. Ang aklatan ay binansagang 'The Eye' dahil ang globo, na lumilitaw na tulad ng isang alikmata, ay makikita mula sa parke sa labas sa pamamagitan ng isang durungawan na hugis mata.
Sa unang linggo pagkatapos ng araw ng pagbubukas, humigit-kumulang na 10,000 mga tao sa isang araw ang dumating, na naging sanhi ng mga mahahabang pila sa labas.
Matatagpuan sa una at ikalawang palapag ang mga pangunahing mga lugar ng silid-pahingahan at mga silid ng pagbabasa. Ang mga palapag sa itaas ay may mga silid ng kompyuter, sala ng pagtitipon, at matatgpuan din dito ang mga tanggapan. Mayroon ding dalawang patyo sa bubungan ng gusali. Dahil sa desisyon na kumpletuhin ang aklatan nang mabilisan at mga kaguluhan sa kung ano ang opisyal na naaprubahan, ang pangunahing atrium ay hindi maaaring gamitin para sa pag-iimbak ng mga libro; ang mga silid na nagbibigay ng daanan sa itaas na mga lebel ng istante ay hindi itinayo at ang ilang bahagi ng libro ay naka-imprenta lamang sa likod ng puwang ng istante para sa mga pambungad na larawan.
Konstruksyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang silid-aklatan ay dinisenyo ng isang kompanyang pang-arkitektura mula sa Rotterdam, ang MVRDV, kasama ang Tianjin Urban Planning and Design Institute (TUPDI) na binubuo ng isang pangkat ng mga lokal na arkitekto. Dahil sa mahigpit na iskedyul ng pagtatayo ng lokal na pamahalaan, ang proyekto ay isinagawa mula sa mga paunang guhit hanggang sa pagbubukas ng mga pintuan sa loob lamang ng tatlong taon. Nagbukas ito noong Oktubre 2017.
Mga tala at sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangNewsweek
); $2 - ↑ https://www.mvrdv.nl/projects/tianjin-binhai-library
Mga panlabas na kawingan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- May kaugnay na midya ang Tianjin Binhai Library sa Wikimedia Commons
- Opisyal na pahina Naka-arkibo 2018-12-09 sa Wayback Machine. ng silid-aklatan sa Binhai Cultural Center (sa Tsino)
- Galeriya ng mga litrato sa CNN