Pumunta sa nilalaman

Simbahang Ruso, Qazvin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Simbahang Kantur, Qazvin
Relihiyon
PagkakaugnaySimbahang Ortodokso ng Rusiya
Lokasyon
LokasyonQazvin, Probinsyang Qazvin, Iran
Arkitektura
UriSimbahan

Ang Simbahang Cantor (o Kantur) ( Persa: Kelisā ye Kantur‎ ) ( Persa: کلیسای کانتور‎ ), ay isang simbahan ng Ortodoksong Ruso sa Qazvin, Iran .

Kasaysayan at disenyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang simbahan ay itinayo noong 1905 para sa mga inhinyero ng Russia na nagtatrabaho sa konstruksyon ng mga kalsada sa Qazvin . Ang kapilya, tulad ng ibang mga simbahan, ay hugis-krus at ang altar ay nakaharap sa silangan. Napapaligiran ang pasukan ng dalawang pader na pinalamutian ng mga krus. [1] Mayroon itong gusali para sa kampana na tatlong palapag sa pasukan na binibigkis ng isang maliit na simboryo. Ang pasilyo ay may kasamang kapilya at altar, at sa magkabilang panig nito ay dalawang lugar na sukat parihaba. Ang dambana ay nasa hugis ng kalahating bilog na natatakpan sa ibabaw ng simboryo. Makikita naman ang mga haligi na mayroong dekorasyon sa labas ng simbahan. Ang pagpaplano sa arkitektura ay nakabatay sa isang iregular na hugis na gawa sa mga pulang ladrilyo. Ang unang palapag ng kampanaryo ng kapilya ay nagbibigay ng magandang tanawin sa nakapalibot na bukid. Ang aspaltadong bakuran ng simbahan ay humahantong sa maraming mga puntod. Ang isang puntod ay para sa isang piloto ng Rusiya na namatay nang bumagsak ang kanyang eroplano noong panahon ng digmaan. [2] Sa harap ng simbahan ay isang alaala para sa isang Rusong inhinyero ng kalsada. [3] Ang simbahan ay minsang tinutukoy bilang "Cantor" o "Kantur" mula sa pangalan ng lugar na kinatatayuan nito. [4]

Litrato ng Gusali

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Cantor Church - Retrieved 8 December 2015". Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2016. Nakuha noong 4 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Cantor Church - Retrieved 8 December 2015". Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2016. Nakuha noong 4 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. РУССКАЯ ПРАВОСЛАВНАЯ ЦЕРКОВЬ В ПЕРСИИ - ИРАНЕ (1597-2001 гг.) Игумен Александр (Заркешев) Санкт-Петербург 2002 - Russian Orthodox Church in Persia-Iran 1597-2001, by abbot Alexander Zarkeshev, St Peterburg 2002, pp 70f and 110 Naka-arkibo 2014-12-10 sa Wayback Machine.; the church is sometimes referred to as "Kantur" church from the name of the area where it stands
  4. РУССКАЯ ПРАВОСЛАВНАЯ ЦЕРКОВЬ В ПЕРСИИ - ИРАНЕ (1597-2001 гг.) Игумен Александр (Заркешев) Санкт-Петербург 2002 - Russian Orthodox Church in Persia-Iran 1597-2001, by abbot Alexander Zarkeshev, St Peterburg 2002, pp 70f and 110 Naka-arkibo 2014-12-10 sa Wayback Machine.; the church is sometimes referred to as "Kantur" church from the name of the area where it stands