Pumunta sa nilalaman

Sinalampati

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang sinalampati ay isang sayawing pambayan mula sa Pilipinas.[1] Katulad ng ibang sayawing pambayan sa Pilipinas, hango ang sayaw na sinalampati sa galaw ng ibon.[2][3] Ang ibon na ginagaya ng sayaw ay ang kalapati[4] kung saan hinango ang katawagan nito.[5]

Maraming sayawing pambayan sa Pilipinas na tinatawag na sinalampati. Karamihan sa kanila ay nasa Kabisayaan.[6] Sinasabing na natagpuan ito sa bayan ng Tanjay sa lalawigan ng Negros Oriental, Gitnang Kabisayaan. Sa Silangang Kabisayaan, partikular sa mga lugar sa Leyte-Samar ng mga Waray, sinasabi ng mga awtoridad sa sayawin ang "sinalampati" bilang ang sayaw na ginagaya ang galaw ng mga ibon na kalapati kapag naglalandian sila. Bagaman, ang sinalampati sa Tanjay, Negros Oriental ay ginagaya ang galaw ng inaheng kalapati na pinakakain, hinahaplos at nilalambing ang kanilang mga inakay. Kaya, mga babae lamang ang nagsasayaw ng sinalampati sa Tanjay, Negros Oriental. Samantalang nagpapahiwatig na sinasayaw ng magkasing-irog ang sinalampati sa Silangang Kabisayaan.

Sa Rehiyon ng Kabikulan, tinatawag din ang sinalampati bilang pantomina. Sayaw din ito na ginagaya ang galaw ng kalapati. Katulad din ang sinalampati sa Kabikulan ng paglalarawan sa sinalampati ng Silangang Kabisayaan na sinasayaw ito ng magkatambal na lalaki at babae na kinakatawan ang pag-ibig at pagliligawan na tulad ng sa mga kalapati. Tanyag na sinasayaw ito sa mga kasalan sa Kabikulan.

Sa katunayan, noong 2019, sa kasikatan nito natamo ng Lungsod ng Sorsogon na sa Kabikulan din ang Guinness Book of World Records (Mga Pandaigdigang Tala ng Aklat ng Guinness) para sa pinakamaraming bilang ng mga mananayaw pambayan na lumahok para sa sayawin ang sinalampati o tinatawag nilang Pantomina sa Tinampo.[7] May hindi bababa sa 7,127 na taga-Sorsogon ang nakilahok sa sayawan. Pinanganuhan ang pagsayaw ng pantomina ng mag-asawang sina Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Mga sayaw na sinalampati

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinatawag ang sayaw sa Kabikulan bilang sinalampati dahil ginagaya nito ang galaw ng mga kalapati kapag naglalandian. Kaya naman, tinatawag din itong "pantomina" (salitang hango sa wikang Kastila) sa kaparehong kadahilanan, ang paggaya ng ligawan at pagtatalik ng mga kalapati. Kadalasang naitatanghal ang sinalampati sa mga kasal at sinasamahan ito ng pangkat ng rondalla na malamang na ipinakilala naman ng mga Kastila. Partikular na nililikha ang mga awitin para sa sayaw na pantomina sa Catanduanes, Sorsogon, at Albay.[8]

Pagsabit ng kuwarta sa mga kinasal habang tinutugtog at sinasayaw ang pantomina

Kapansin-pansin ang malayang pag-indayog ng bisig na katangian ng sinamlampati sa Kabikulan.[9] Habang nagsasayaw ang bagong kasal ng pantomina, pinapaulanan sila ng mga barya o sinasabit o nilalagay sa mga plato sa sahig ang salaping regalo sa kanila.[9] Binibigyan ng tuba ang kinasal kapag nahihiya. Bahagi lamang ng sinalampati ang may koreograpo at inimbento lamang ang iba pang bahagi.[9]

Sinasayaw din ang pantomina sa mga pista at sa kalye, at pangunahing tampok sa Pistang Kasanggayahan sa Sorsogon.[10] Kaya naman, noong 2019, natamo ng Lungsod ng Sorsogon ang Guinness Book of World Records (Mga Pandaigdigang Tala ng Aklat ng Guinness) para sa pinakamaraming bilang ng sumayaw na pantomina sa kalye bilang sayawing pambayan. Umabot sa 7,217 katao ang sumayaw noong panahon na iyon.[11]

Noong 2022, sinayaw din ng mga taga-Catanduanes ang pantomina sa kalye upang alalahanin ang paghihiwalay nila sa lalawigan ng Albay.[12]

Sinasabing matatagpuan ang sinalampati sa Tanjay, Negros Oriental[13] at taliwas sa sinalampati ng Bikol, sinasayaw lamang ito ng mga kababaihan dahil ginagaya nito ang galaw ng mga kalapati kapag nilalambing, pinakakain at hinahaplos ang kanilang inakay.[14] Bagaman, sa Silangang Kabisayaan, partikular sa mga lugar sa Leyte-Samar ng mga Waray, sinasabi ng mga awtoridad sa sayawin na ang sinalampati ay pagsayaw ng paggaya ng pagtatalik ng mga kalapati.[15] Kaya, katulad ito ng sa Kabikulan.

Isa sa mga tugtog ng sayaw na ito ay tinugtog ni Juan Silos, Jr. at kanyang rondalla noong dekada 1960 sa ilalim ng album na Philippine Folk Dances Vol. IX ng Villar Records.[16]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Aquino, Francisca Reyes (1965). Philippine Folk Dances (sa wikang Ingles). Kayumanggi Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Goquingco, Leonor Orosa (1980). The Dances of the Emerald Isles: A Great Philippine Heritage (sa wikang Ingles). Ben-Lor Publishers.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. VILLARUZ, BASILIO ESTEBAN S. "Philippine Ethnic Dances". ncca.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-08-04. Nakuha noong 2024-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Evasco, Marjorie (2017-11-22). The Bohol We Love: An anthology of memoirs (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-621-420-172-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "PHILIPPINE DANCE" (PDF). nlpdl.nlp.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2024-03-19. Nakuha noong 2024-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Rockell, Kim (Pebrero 2009). "'Fiesta', Affirming Cultural Identity in a Changing Societye: A Study of Filipino Music in Christchurch, 2008". University of Canterbury Research Repository (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. Barcia, Rhaydz B. (2019-11-07). "Sorsogon holds a Guinness World Record for largest folk dance of courtship". bicolmail (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The Pantomina De Sorsogon | Bikolandia!". web.archive.org. 2014-09-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-20. Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 Realubit, Maria Lilia F. (1999). Bikol Literary History (sa wikang Ingles). Verlag nicht ermittelbar.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Adiova, Marilyne Antonette (2014). "Music, Dance, and Negotiations of Identity in the Religious Festivals of Bicol, Philippines" (PDF). University of Michigan (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Hallare, Jorge (2019-11-01). "Sorsogon bags world record for 'Pantomina sa Tinampo' dance". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  12. Barcia, Rhaydz B. (2022-11-04). "'Happy Island' marks Catandungan festival, holds 'Padadyaw sa Tinampo'". bicolmail (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Fajardo, Libertad V. (1974). Visayan Folk Dances (sa wikang Ingles). L.V. Fajardo.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Jones, Betty True (1983). Dance as Cultural Heritage (sa wikang Ingles). Congress on Research in Dance.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Genova Valiente, Tito (2018-06-14). "FIELDNOTES: Losing and "YouTubing" the Pantomina". bicolmail (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Sinalampati by Juan Silos Jr. & Rondalla on Apple Music (sa wikang Ingles), 2009-01-26, nakuha noong 2024-03-19{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)