Sining panlaban ng Pilipinas
Ang sining panlaban ng Pilipinas ay tumutukoy sa mga pamamaraan ng paglaban na ginawa sa Pilipinas na ang pinaka-kilala ay ang arnis. Ang tunay na pangangailangan ng pag-aalaga sa mga sining na ito ay ang simula ng mga pamamaraan. Sa paglipas ng panahon, ang mga mananakop ay nakapagbigay ng mga kaisipan para sa pakikipaglaban sa mga tao at pakikidigma sa kapuluan na ngayon ay tinatawag na ang Pilipinas. umunlad ang pakikidigma ng mga Pilipino bilang isang tuwirang bunga ng pagpapahalaga ng kanilang nagbabagong kapaligiran. Madalas nilang nalaman sa mga pagkakataon ng pangangailangan na pagtuunan-pansin, maglaan ng oras at magamit ang mga pangkaraniwang mga bagay-bagay sa mga pangyayaring pakikidigma. Ang mga Pilipino ay sobrang naimpluwensiya ng paghahalo ng kalinangan at linguistika. Ang ilan sa mga tiyak na pangyayari na nagbunga ng mga pagkakaibang kalinangan at sa pakikipaglaban ay ang mga digmaan, mga pampolitika at panlipunang sistema, teknolohiya at kalakalan.
Nakikitaan ng sining pakikidigmang Pilipino sa malakihang antas dahil sa ilang mga pelikula mula sa Hollywood at sa mga pagtuturo ng mga kasalukuyang mga dalubhasa gaya nila Venancio "Anciong" Bacon, Dan Inosanto, Teddy Buot, Sam Buot, Bobby Taboada, Cacoy Canete, Leo Gaje, Mike Inay, Ernesto Presas at Angel Cabales.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.