Pumunta sa nilalaman

Sinturon ni Hudas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pag-putok ng isang Sinturon ni Hudas sa bansang Tsina noong Oktubre 2016.

Ang sinturon ni Hudas (sa Ingles: Judas' belt o Judah's belt[1]) ay isang uri ng paputok na nagdudulot ng maramihang pagsabog. Ipinangalan kay Hudas Iskariote, ang sinturon ay binubuo ng isang kuwerdas ng mga hugis tatsulok o tubo na mga paputok na tinatayang hanggang isang daan o higit pa at isang mas malaking paputok sa dulo. Tinatawag na sawa ang mas mahabang bersyon ng paputok dahil tila mala-sawa ang haba.

Ang Sinturon ni Hudas na narolyo sa hugis bilog.

Sikat sa Pilipinas tuwing magdiriwang ng Bagong Taon, nagmula ang pangalan sa isang lumang Katolikong tradisiyon tuwing Mahal na Araw sa Espanya at ang mga dating kolonya nito kung saan ang isang kadena ng paputok ay sinusuot sa isang imahen ni Hudas Iskariote at sinisindihan.[2] Ang nagreresultang pagsabog nito ay ganap na sinusunog ang imahen. Ang gawaing ito ng pagsunog ng imahen ay kadalasang nangyayari tuwing Biyernes Santo at Linggo ng Pagkabuhay, at bagaman matagal na itong itinigil sa Pilipinas, ang nabanggit na gawain ay laganap pa rin sa Espanya at Mexico.

Pag lalarawan ng Sinturon ni Hudas (Judas Belt).

Binubuo ang sinturon ni Hudas ng mga maliit ng mga paputok na maaring hugis tubo o hugis tatsulok, nakabalot sa makapal na papel, at nakaayos ng sunud-sunod kasama ang isang karaniwang mitsa at isang mas malaking paputok sa kabilang dulo.[1] Ang maliit na hugis tatsulok na paputok na tinatawag din bilang "triangulo" ay karaniwang sumusukat bawat isa ng  34 pulgada (19 mm) ang haba sa pinakamahabang banda samantalang ang mga hugis tubong paputok na tinatawag na "el diablos" o "diablos" ay karaniwang sumusukat bawat isa ng 1 14 pulgada (32 mm) ang haba at 14 pulgada (6.4 mm) ang diametro.[1] Kadalasang ang malaking paputok sa dulo ay ang paputok na "bawang," na isang mas malaking "triangulo."[1]

Maaring ilatag ang sinturon ni Hudas sa lupa o nakabitin sa isang puno o pader. Sinisindihan ang dulo ng mitsa at habang nasusunog ang mitsa, nag-aapoy ang bawat paputok kasama ang isang tunog na tulad sa isang machine gun.[3] Naglalaman ang isang karaniwang sinturon ng hanggang isang daan o higit pa na paputok at ang mas mahabang sinturon ay tinatawag minsan na sawa dahil sa mala-sawa nitong haba.[4][5]

Sa Pilipinas, ang Batas Republika Blg. 7183 ay sinabatas upang pangasiwaan at pigilan ang pagbenta, pamamahagi, paggawa at paggamit ng mga paputok para sa kaligtasan ng publiko.[1] Ayon sa batas na iyon, legal na paputok ang sinturon ni Hudas[6] bagaman ang mas malalaking bersyon ay pinagbabawal.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "REPUBLIC ACT NO. 7183". chanrobles.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Good to Know: Firecrackers in the Philippines". primer.com.ph (sa wikang Ingles). Disyembre 26, 2016. Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Revellers injured by fireworks during Philippines New Year celebrations". Australian Broadcasting Corporation (sa wikang Ingles). Disyembre 31, 2013. Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cardinoza, Gabriel; Macob, Johanne Margarette; Sotelo, Yolanda (Disyembre 31, 2015). "Police appeal: Use phones vs gun violators". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "New Year countdown: 50-80 injuries hourly". Rappler. Disyembre 31, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 29, 2016. Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Roxas, Joseph Tristan (Nobyembre 29, 2016). "PNP bares list of legal firecrackers, pyrotechnics for holiday revelry". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Calonzo, Andreo (Disyembre 26, 2011). "List of fireworks and firecrackers prohibited in the PHL". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)