Pumunta sa nilalaman

Biko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sinukmani)
Biko
Mga kubikadong biko na binudburan ng latik
Ibang tawagInkiwar, sinukmani, sinukmaneng, sumang Inilonggo, wadjit, wadit, wagit
KursoMinandal
LugarPilipinas
Ihain nangMainit, temperatura ng silid
Pangunahing SangkapMalagkit, pulang asukal, gata
BaryasyonKalamay
Mga katuladYaksik, shwe htamin
Wikibooks
Wikibooks
Mayroon sa Wikibooks ng patungkol sa Biko.
Biko na may latik

Ang biko ay isang uri ng matamis na kakanin mula sa Pilipinas. Gawa ito sa gata,[1] pulang asukal, at malagkit. Karaniwang pinapatungan ito ng latik (kulta man o malakaramelong sirup). Isa itong uri ng kalamay at magkahawig ang paghahanda ng mga ito, ngunit sa biko hindi ginigilingan ang bigas para maging masa. Minsan pinapakete at ibinebenta ang mga ito bilang suman.[2][3]

Kilala rin ito bilang inkiwar sa mga Ilokano at sinukmani o sinukmaneng sa Timog Luzon. Sa mga rehiyong Muslim sa Pilipinas, kilala ito bilang wadjit sa Tausug; wadit sa Maranaw; at wagit sa Maguindanao.[4][5]

Isang kapansin-pansing baryante ang puto maya sa mga rehiyong nagsasalita ng Sebwano sa Pilipinas. Karaniwang gawa ito sa tapol, isang uri ng lilang malagkit, na ibinababad sa tubig, pinapatuyo, at nilalagay sa lansong ng 30 minuto. Pagkatapos, hinahalo ito sa gata, asin, asukal at katas ng luya at ibinabalik sa lansong ng 25-30 minuto.[6]

Maaari ding ihanda ang biko kasama ng iba pang karaniwang Pilipinong sangkap. Kabilang sa mga halimbawa ang ube-biko na sinasangkapan ng ube, at pandan biko na sinasangkapan ng katas ng dahong pandan; katangiang malalim na lila at maliwanag na berde ang mga ito, ayon sa pagkakabanggit.[7][8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Biko". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sinukmani". Famous Delicacies in Santa Rosa, Laguna. Nobyembre 29, 2012. Nakuha noong Enero 30, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ed Romero, Dan Gonzales, Max Millard, & Salve Millard (2012). "Filipino Food" [Pagkaing Pilipino]. Sa George J. Leonard (pat.). The Asian Pacific American Heritage: A Companion to Literature and Arts [Ang Pamana ng Amerikanong Asyano-Pasipiko: Isang Kompanyero sa Panitikan at Sining] (sa wikang Ingles). Routledge. p. 356. ISBN 9781135580179.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Estremera, Stella A. (Pebrero 22, 2015). "Tausug food" [Pagkaing Tausug]. Sun.Star Davao (sa wikang Ingles). XX (164): B2, B3. Nakuha noong Hunyo 23, 2017.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Filipino ricecakes, sweets, and other snacks - W" [Mga Pilipinong kakanin, dulse, at iba pang pangmeryenda - W]. Glossary of Filipino Food (sa wikang Ingles).
  6. "Dreaming of Rice Cakes". Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 2, 2015. Nakuha noong Marso 21, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Joven, Eduardo. "A Delectable & Aromatic Kakanin That Can Help Relieve Rheumatism?" [Isang Napakasarap & Masamyong Kakanin na Makakatulong ba sa Paglulunas ng Rayuma?]. ChoosePhilippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 14, 2019. Nakuha noong Mayo 14, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Ube Biko". Bite Sized (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 14, 2019. Nakuha noong Mayo 14, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)