Pumunta sa nilalaman

Siopao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Siopao
Taas: Siopao na asado ; Baba: Panghimas na siopao na may palamang tsokolate
UriBaozi
KursoMerienda
LugarPilipinas
Pangunahing SangkapBaboy, harina, toyo, asin
BaryasyonAsado, bola-bola, tinostang siopao, pinritong siopao, paowaw, iba pang baryanteng panghimagas
Enerhiya ng pagkain
(per paghain)
330 kcal (1382 kJ)
Mga katuladBaozi (Tsina), Char siu bao (Tsina), Siu pao (Kapuluang Marshall), Salapao (Taylandiya), Manapua (Hawaii), Keke Pua'a (Samoa & Samoang Amerikano)

Ang siopao o siyopaw (Tsinong pinapayak: 烧包; Tsinong tradisyonal: ; Pe̍h-ōe-jī: sio-pau; pagbigkas sa Tagalog: [ˈʃupaʊ]), literal na mainit na bonete, ay Pilipinong uri ng Kantones na pinasingaw na bonete na tinatawag na cha siu bao (Jyutping: caa1 siu1 baau1).[1]

Ito ay sikat na meryenda na ibinebenta ng mga panaderya at manininda at sa mararaming Tsinong restawran at kainan sa Pilipinas. Mayroong iba't ibang uri ayon sa laman: asadong baboy o bola-bola (kumbinasyon ng baboy, manok, baka, hipon or inasnan na itlog ng pato). Mayroon ding inihurnong baryante.[2]

Isang natatanging baryasyon mula sa Pulo ng Siargao ang paowaw, isang panghimagas na bonete na may palamang bukayo.[3]

May lumang katha o maling balita na diumano'y gawa sa karne ng pusa ang siopao, dahil sa kamurahan nito at pagtatangi laban sa mga Tsino.

Sa mga ibang bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong magkatulad na deribatibo sa lutuing Thai na tinatawag na salapao (Thai: ซาลาเปา). Paminsan-minsan, pinapalamanan ang salapao ng matatamas na laman bilang panghimagas.[4] Paborito rin ito sa Hawaii kung saan tinatawag ito bilang manapua.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Frances Lorraine Haw-Ang (Agosto 25, 2010). "Top 10 Siopao in Manila". www.spot.ph. Nakuha noong 21 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.mixingbowl.com/content/GELACIOSFILIPINOAMERICANRECIPES/recipe/5805221/Baked-Siopao[patay na link]
  3. Damo, Ida. "Two Unique Snacks from Surigao: Paowaw & Milledo". ChoosePhilippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hulyo 2019. Nakuha noong 28 Hulyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Salapao – Chinese Steamed Buns". www.thaizer.com/. Enero 15, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2011. Nakuha noong 21 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)