Sipit-sipitan (leeg ng bahay-bata)
Ang sipit-sipitan (Ingles: cervix, neck of the uterus, cervix uteri; sa wikang Latin, nangangahulugang "leeg" ang salitang cervix) ay ang panlabas na dulo ng bahay-bata na kahugis ng o may pagkakatulad sa leeg ng tao,[1] kaya't tinatawag ding leeg ng bahay-bata. Ito ang mas pang-ibaba at makipot na bahagi ng bahay-bata kung saan pumipisan ito sa pang-itaas na dulo ng kiki. Silindriko o koniko ang hugis nito at nakaumbok sa pang-itaas na pangharap (anteryor) na dingding ng puke. Tinatayang kalahati ng kahabaan nito ang makikita sa paggamit ng naaangkop na kagamitang medikal; nahihimlay ang natitira sa itaas ng puke na hindi maaabot ng pananaw.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.