Sistemang deterministiko
Sa matematika, agham pangkompyuter, at pisika, ang isang sistemang deterministiko ay isang sistemang walang pagkaalisagang kinasasangkutan sa pag-unlad ng mga katayuan sa kinabukasan. Kaya ang deterministikong modelo ay laging gagawa ng parehong resulta mula sa isang partikular na inisyal na katayuan.
Sa pisika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga pisikal na batas na inilalarawan ng mga ekwasyong diperensiyal ay kumakatawan ng mga sistemang deterministiko, maski mahirap ang isang eksplisitong paglalarawan ng katayuan ng sistema sa ilang punto sa panahon.
Sa mekanikang quantum, ang ekwasyong Schrödinger, na inilalarawan ang patuloy na mapanahong ebolusyon ng punsiyong alon ng isang sistema, ay deterministiko. Gayunman, ang kaugnayan sa pagitan ng punsiyong alon ng isang sistema at mga mapagmamasdang propyedad ng sistema ay parang di-deterministiko.
Sa matematika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga sistemang inaaral sa teorya ng kaguluhan ay deterministiko. Kung eksaktong inaalam ang inisyal na katayuan, tapos teoretikal na nahuhulaan ang katayuan sa kinabukasan. Gayunman, sa praktika, ang kaalaman tungkol sa katayuan sa kinabukasan ay nililimitahan ng katumpakan ng sukat ng inisyal na katayuan, at ang mga magugulong sistema ay totoong nagdedepende sa inisyal na katayuan. Ang itong sensitibidad sa inisyal na katayuan ay nasusukat ng mga eksponente ni Lyapunov.
Ang mga kadena ni Markov at ibang mga alisagang paglalakad ay hindi deterministiko, kasi nagdedepende ang kanilang pag-unlad sa mga alisagang pili.
Sa agham pangkompyuter
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang isang deterministikong modelo ng komputasyon, halimbawa isang deterministikong makinang Turing, ay isang modelo ng komputasyon kung saan ang sunud-sunod na katayuan ng making at ang mga operasyong ginagawa ay kumpletong itinatakda ng dating katayuan.
Ang isang deterministikong algoritmo ay algoritmo na, sa isang partikular na input, laging gagawa ng parehong resulta, at babagtas ang makina ng parehong sekwensiya ng mga katayuan. Maaaring may mga algoritmong di-deterministiko na tumatakbo sa isang makinang deterministiko, halimbawa, isang algoritmo na umaasa sa mga alisagang pili. Para sa ganiyang mga alisagang pili, sa heneral ginagamit ang isang henerador ng seudo-alisagang bilang (Ingles: pseudorandom number generator), pero maaaring gamitin din ang ilang panlabas na pisikal na proseso, tulad ng mga huling bilang ng oras na ipinapakita ng orasan ng kompyuter.
Ang isang henerador ng seudo-alisagang bilang ay deterministiko, at idinidisenyo para gumawa ng mga sekwensiya ng bilang na umaanyo ng mga alisagang sekwensiya. Ang henerador ng hardware ng alisagang bilang (Ingles: hardware random number generator), gayunman, ay puwedeng di-deterministiko.
Sa ekonomika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ekonomika, ang modelo nina Ramsey–Cass–Koopmans ay deterministiko. Ang stokastikong katumbas ay tinatawag na teorya ng siklo ng totoong negosyo.