Siyam na Mararangal
Ang Siyam na Mararangal (Ingles: Nine Worthies; Pranses: les neuf preux; Kastila: Nueve de la Fama), na maisasalin ding Siyam na Karapat-dapat, Siyam na (mga Taong) Tinitingala, Siyam na (mga Taong) Iginagalang, Siyam na mga May Katuturan, o Siyam na mga May Silbi[1] ay siyam na makasaysayan, makapangbanal na kasulatan o eskriptural, mitolohikal, o medyo maalamat na mga pigura o mga katauhan na, noong Gitnang mga Kapanahunan), ay pinaniniwalaang kumakatawan sa mga ulirang diwa ng pagkakabalyero. Una silang inilarawan noong kaagahan ng ika-14 na daang taon ni Jacques de Longuyon sa kanyang Voeux du Paon (1312). Malinis na hinati sila sa tatlong pangkat na may tatlong mga kasapi, itinuturing ang mga lalaking ito bilang mga paragon ng pagiging kabalyero sa loob ng kanilang partikular na mga tradisyon: na maaaring Pagano, Hudyo, o kaya Kristiyano. Hindi naglaon, naging pangkaraniwang tema sa panitikan at sining ng Gitnang mga Kapanahunan ang mga napili ni De Longuyon, at nakatanggap ng pamalagiang pook sa tanyag na kamalayan. Tinutukoy sila sa akdang Love's Labour's Lost[2] ni William Shakespeare. Paminsan-minsang nagdaragdag ng mga katumbas na mga kababaihan, bagaman nagkakaiba-iba ang mga babaeng napipili.
Ang Siyam na Mararangal ay sina:[2]
- Mula sa panahon ng Paganismo (mula sa kasaysayan at tradisyong Griyego at Romano):
- Mula sa panahon ng Lumang Tipan ng Bibliya (batay sa kasaysayang makabibliya at panghudyo):
- Josue, mananakop ng Canaan
- David, hari ng Israel
- Judas Macabeo, muling tagapanakop ng Herusalem
- Mula sa panahon ng Kristiyanismo (batay sa alamat at kasaysayang midyibal):
- Haring Arturo
- Carlomagno
- Godofredo ng Bouillon (kilala rin bilang Godfrey ng Bouillon), isa sa mga pinuno ng Unang Krusada
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Batay sa kahulugan ng Worthy - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 "The Nine Worthies". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 444.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.