Pumunta sa nilalaman

Tulog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sleep)
Isang taong natutulog.

Ang tulog ay isang kalagayan ng mag alak na lang, na nagaganap sa mga hayop, kasama ang mga tao. Ang mga hayop na natutulog ay nasa isang katayuan ng walang kamalayan, o karamihan sa kanila. Karamihan sa mga masel na nakukontrol na may layunin o sinasadya ng mga hayop ay hindi masigla o hindi aktibo (hindi gumagalaw o hindi gumagana).[1] Ang natutulog na mga hayop ay hindi tumutugon sa istimulo na kasingbilis ng kapag gising sila. Mas madaling nababaliktad ang tulog kaysa hibernasyon o koma. Natutulog ang lahat ng mga mamalya at mga ibon, at maraming mga reptilya, amphibian, at mga isda. Sa mga tao, iba pang mga mamalya, at karamihan sa iba pang mga hayop na pinag-aralan, ang madalas na pagtulog ay kailangan upang makaligtas o mabuhay, ngunit ang tiyak na layunin nito ay hindi pa malinaw at kinakailangan pa nito ang higit na pananaliksik.[2] Nakasisiya rin ang pagtulog. Tinatawag na himbing ang malalim na pagtulog, bagaman tumutukoy din ang himbing sa letarhiya.[3]

Sanhi ng tulog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang likas na kawalan ng malay ang pagtulog, ngunit mahirap sabihin kung paano ito nagaganap. Mahalaga sa buhay ang pagkakaroon ng sapat na tulog, katulad ng kahalagahan ng pagkain. Dumarating ang pangangailangan ng pagtulog katulad ng pagdating ng pagkagutom, na kung minsan ay sang-ayon sa nakasanayan. Sa kung paano ito nangyayari, ilan sa mga panukala o teoriya ang pagkakaroon ng kumaunting daloy ng dugo sa utak na sanhi ng pagkaipon o akumulasyon ng produktong dumi sa dugo, na dahil naman sa kapaguran; o kaya dahil sa diminusyon o kabawasan ng istimulong sumasapit sa utak, bagaman wala pang tiyak na sirkumstansiya o sitwasyong napapatunayan kung ano ang tunay na mga dahilang nakapagdudulot ng tulog.[2]

Tulog at katawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Habang natutulog, bumababa ang mga aktibidad o galaw ng katawan. Mas mabagal ang tibok ng puso, mas mabagal ang paghinga at mas mahina, mas malanday, o mas mababaw. Sa pangkalahatan, nakapahinga ang mga masel at mababa ang temperatura ng katawan. Kaduda-duda ang kabuuang pagtigil ng isipan habang natutulog, maging sa unang dalawang oras kung kailan napakalalim o napakahimbing ng tulog. Maaaring nagpapatuloy ang pangangarap o pananaginip sa kahabaan ng pagtulog subalit hindi naaalala ng tao ang ganyang mga panaginip o pangarap, maliban na lamang sa mga nagaganap kapag pagising na o malapit nang magising ang tao.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Macmillan Dictionary for Students Macmillan, Pan Ltd. (1981), pahina 936. Nakuha noong 2009-10-1.
  2. 2.0 2.1 2.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Sleep". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 658-659.
  3. Blake, Matthew (2008). "Himbing, lethargy, deep sleep, deep slumber, mahimbing". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)