Pumunta sa nilalaman

Smirna

Mga koordinado: 38°25′7″N 27°8′21″E / 38.41861°N 27.13917°E / 38.41861; 27.13917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Smyrna
Σμύρνη/Σμύρνα (Sinaunang Griyego)
The ancient Greek city of Smyrna in Anatolia
The Agora of Smyrna (columns of the western stoa)
Smirna is located in Turkey
Smirna
Kinaroroonan sa Turkey
Smirna is located in Europe
Smirna
Smirna (Europe)
Kinaroroonanİzmir, İzmir Province, Turkey
RehiyonIonia
Mga koordinado38°25′7″N 27°8′21″E / 38.41861°N 27.13917°E / 38.41861; 27.13917
KlaseSettlement
Smyrna among the cities of Ionia and Lydia (ca. 50 AD)

Ang Smirna o Smyrna ( /ˈsmɜːrnə/ SMUR-nə; Sinaunang Griyego: Σμύρνη, romanisado: Smýrnē, or Sinaunang Griyego: Σμύρνα, romanisado: Smýrna ay isang sinaunang Gresyang lungsod sa isang stratehikong punto ng Dagat Egeo sa baybayin ng Anatolia. Ang pangalan ng siyudad na ito mula 1930 ay İzmir.[1]

Ang dalawang lugar ng sinaunang siyudad ay matatagpuan ngayon sa loob ng mga sakop ng Izmir. Ang unang lugar ay unang nakilala noong panahong Arkaiko bilang isa sa mga pangunahing tirahang Griyego ng kanluraning Anatolia. Ang ikalawa na ang pundasyon ay nauugnay kay Dakilang Alejandro[2] ay umabo sa mga proporsiyong metropolitano noong panahon ng Imperyo Romano. Ang karamihan sa mga kasalukuyang labi ng sinaunang lungsod ay mapepetsahan mula sa panahong Romano at karamihan ay pagkatapos ng isang ikalawang siglo CE lindol. Sa mga terminong praktikal, ang pagkakaiba ay ginagawa sa pagitan ng dalawang ito. Ang Lumang Smirna ay simulang tirahan na itinatag noong ika-11 siglo BCE, una bilang tirahang Aeolian at kalaunan ay nakuha at pinaunlad noong panahong Arkaiko ng mga Ionian. Ang proper na Smyrna ang bagong lungsod na tinirhan noong ika-4 siglo BCE at ang pundasyon ay may inspirasyon ni Alejandro.

Ang Lumang Smyrna ay matatagpuan sa isang maliit na peninsula na nauugnay sa pangunahing lupain ng isang maliit na isthmus sa hilagang silangang dulo ng panloob na Golpo ng İzmir sa tabi ng matabang kapatagan sa paaanan ng Bundok ng Yamanlar. Ang lugar ng arkeolohiya na Bayraklı Höyüğü, ay may 700 metro (770 yd) sa loob ng lupain sa kabahayan Tepekule ng Bayraklı. Ang Bagong Smirna ay pinaunlad sa mga libis ng Bundok Pagos na ngayon ay Kadifekale kasama ng kipot na pangbaybayin sa ibaba kung saan ang isang maliit na look na umiral hanggang ika-18 siglo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fant, Clyde E. (2003). A Guide to Biblical Sites in Greece and Turkey. Oxford University Press. ISBN 978-0-19-988145-1. Nakuha noong 5 Pebrero 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Pausanias, Description of Greece, 7.5