Sobrino de Botín
Ang Sobrino de Botín ay isang restawrant at kainan sa Madrid, Espanya, na itinatag noong 1725, at itinuturing ito ng Mga Pandaigdigang Tala ng Guinness bilang ang pinakamatandang restawrant sa buong mundo na patuloy na tumatakbo. Ang artista na si Francisco de Goya ay nagtrabaho sa Cafe Botín bilang isang serbidor habang naghihintay na matanggap sa Akademiyang Royal ng Mahusay na Sining ng Espanya. Nabanggit ang restawrant sa isang nobela ni Ernest Hemingway at ang librong Fortunata y Jacinta ni Benito Pérez Galdós (inilathala noong 1886–1887).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang restawrant ay itinatag noong 1725 ng Pranses na si Jean Botin at ng kanyang asawa, at orihinal na tinawag na Casa Botín . Ito ay minana ng kanyang pamangking lalaki na nagngangalang Candido Remis at siya ang nagbago sa pangalan bilang Sobrino de Botín, na nananatili hanggang ngayon. Ang Sobrino ay salitang Espanyol para sa pamangkin.
Ang bodega ng alak ay mula pa noong 1590 at maituturing na napakatanda kasama ang restawrant.
Bukod sa paggamit ng orihinal na resipi, ang restawrant ay mayroong apoy kung saan patuloy itong nakasindi sa tapahan at hindi pa napapatay kailanman . Ang restawrant at ang katangi-tangi nitong cochinillo asado (inihaw na baboy na nagsuso ) ay nabanggit sa mga pahina ng pagtatapos ng nobela ni Ernest Hemingway na The Sun Also Rises . Ang iba pang mga kilalang hain ay ang sopa de ajo (isang itlog, na nilagay sa sabaw ng manok, at nilagyan din ng heres at bawang): isang paboritong meryenda ng mga taga-Madrid.
Iginawad ng Mga Pandaigdigang Tala ng Guinness ang kainin ng titulong ¨ang pinakamatandang restawrant na patuloy na tumatakbo sa buong mundo¨.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na kawingan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website ng kainan
- Ang Pinakamatandang Kainan, ang Casa Botin, ay Namamayagpag sa Espanya Naka-arkibo 2016-08-16 sa Wayback Machine. people.com
- Great Big Story (2018-02-06), Ito ang Pinakamatandang Restawrant sa Buong Mundo nakuha 2020-12-22
- Guinness World Record (2020) Ang Pinakamatandang Restawrant nakuha 2020-12-22
- GMA Public Affairs (2020-10-11) Pinas Sarap: Ang Pinakamatandang Restawrant sa buong mundo na Sobrino de Botin, binisita ni Kara David!nakuha 2020-12-22
- https://insiderstravel.io/the-botin-experience/ Naka-arkibo 2020-11-29 sa Wayback Machine. insidertravel.io