Pumunta sa nilalaman

Panitikang Kastila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Spanish literature)

Ang panitikang Kastila ay ang panitikan sa Espanya o panitikan na nakasulat sa wikang Kastila (tinatawag ding Kastilyano, Kastelyano, o Espanyol). Ang pinakamaagang nalalamang mga tekstong Kastila ay nagmula pa sa ika-12 daantaon, na binubuo ng mga panulaan ng mga minstrel at mga kuwentong makabayani na inaawit ng mga tagaganap na naglalakbay.[1] Para sa panitikan na nasa wikang Kastila sa Kaamerikahan, basahin ang panitikang Latino-Amerikano.

Makabagong panitikang Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga batang manunulat na sumunod sa Salinlahi ng 1898 ay si Federico García Lorca, ang pinakamahusay sa mga may-akda noong kanyang kapanahunan, at siyang pinakakilala sa labas ng Espanya. Kabilang sa kanyang mga inakdaan ang mga sumusunod:[1]

  • Romancero gitano (Gypsy Romances o Gypsy Ballads, "Mga Balada ng Hitano") (1928)
  • Poema del cante jondo (Poem of Deep Song o Poem of the Cante Jondo, "Tula ng Malalim na Awitin"; naisulat noong 1921 ngunit nalathala lamang noong 1931)
  • Poeta en Nueva York (Poet in New Yiork o "Makata sa Bagong Yok"; naisulat noong 1930, nalathala noong 1940)
  • Bodas de sangre (Blood Wedding o "Kasal ng Dugo") (naisulat noong 1932, unang produksiyon noong1933)
  • La casa de Bernarda Alba (The House of Bernarda Alba o "Ang Bahay ni Bernarda Alba", naisulat noong 1936, unang produksiyon noong 1945)

Kontemporaryong panitikang Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga manunulat pagkaraan ng Digmaang Sibil ng Espanya (1936 hanggang 1939) sina Camilo José Cela (may-akda ng La Familia de Pascual Duarte o The Family of Pascual Duarte, "Ang Mag-anak ni Pascual Duarte", 1941; ng La Colmena o The Hive, "Ang Himbubuyog" o "Ang Bahay ng Pukyutan", 1951), ang nobelistang si Carmen Laforet (may-akda ng nobelang Nada o Nothing, "Wala", 1944), at ang mandudulang si Antonio Buero Vallejo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Spanish Literature". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Spain, tomo ng titik S, pahina 366.

PanitikanEspanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.