Pumunta sa nilalaman

Sputnik 1

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sputnik 1
"Спутник-1"
Major contractorsOKB-1, Soviet Ministry of Radiotechnical Industry
Mission typeAtmospheric studies
Satellite ofEarth
Orbits1,440
Launch date19:28:34, 4 Oktubre 1957 (UTC) (1957-10-04T19:28:34Z) (22:28:34 MSK)
Launch vehicleSputnik Rocket
Mission duration3 months
Orbital decay4 January 1958
COSPAR ID1957-001B
Home pageNASA NSSDC Master Catalog
Mass83.6 kg (184.3 lb)
Orbital elements
Semimajor axis6,955.2 km (4,321.8 mi)
Eccentricity0.05201
Inclination65.1°
Orbital period96.2 minutes
Apoapsis7,310 km (4,540 mi) from centre, 939 km (583 mi) from surface
Periapsis6,586 km (4,092 mi) from centre, 215 km (134 mi) from surface
Sputnik signal

Ang Sputnik 1 ay ang kauna-unahang satellite na umikot sa mundo. Ito ay unang nai-lunsad sa isang low altitude elliptical na ligiran ng Unyong Sobyet noong ika-4 ng oktubre, 1957, at ang una sa serye ng mga satellite na tinatawag ding bilang Sputnik Program. Ang hindi ikinasisiyang paglunsad ng Sputnik 1 ay nagbunga ng isang Sputnik crisis sa Estados Unidos na nagliyab ng isang Space Race sa Cold War.[1]

Maliban sa halaga nito bilang ang nauna, ang satelite na ito ay tumulong sa pagtatalaga ng densidad ng mga mataas na mga layer ng atmospera sa pamamagitan ng pagsukat sa pag-iiba ng orbit ng naturing satellite. Ito rin ay nagbigay ng datos sa distribusyong radio-signal ng ionosphere. Pressurized na Nitrogen, sa katawan ng satellite ay nagbigay ng oppurtunidad para sa isang metioroid detection. Kung ang isang metioroid ay makakabutas sa outer hull ng satellite, ito ay madedetect at ang datos ay maipapadala pabalik sa mundo.

Ang Sputnik-1 ay nalunsad sa looob ng International Geophysical Year mula Site No. 1 sa kabulundukan ng Tyuratam sa Kazakh SSR (ngayon ay nasa Baikonur Cosmodrome). Ang satellite ay naglakbay ng 29,000 kilometro (18,000 mi) kada oras, tinatayang 96.2 minuto para makumpleto ang orbit, at naglabas ng mga radio signals sa pagitan ng 20.005 at 40.002 MHz[2] na namonitor ng mga amateur video operators sa buong mundo.[3] Ang mga signal ay nagpatuloy pa ng 22 na araw hanggang ang mga bateryang transmisyunal ay naubusan noong ika 26 ng oktubre 1957.[4] Ang Sputnik 1 ay nasunog noong ika 4 ng Enero, 1958 habang ito ay nahuhulog mula sa orbit papuntang mundo, matapos maglakbay ng 60 million km (37 million miles) at nagtagal ng tatlong buwan sa orbit.

Ang petsa ng paglulunsad ng Sputnik 1 ay ang simula ng panahon ng kalawakan ng sangkatauhan, at sa Russia ito ay ipinagdiriwang taun-taon bilang isang di malilimutang araw ng mga tropa sa kalawakan. Ang isang kapatagan sa ibabaw ng Pluto ay pinangalanan pagkatapos ng unang artipisyal na satellite ng Earth.[5][6]

Lokasyon ng Proyekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Sputnik ay binuo at ginawa sa lungsod ng Dnipropetrovsk sa silangang Ukraine. Ito ay ginawa sa isang tagong Sobyet na pasilidad na hanggang ngayon ay nakatayo pa at kasalukuyang gumagawa pa rin ng mga sasakyang pang hangin at pang kalawakan. Ang pasilidad ay kadalasasng kilala sa accronym nito na YUZMASH. Ito ay nag-ooperate sa isang domestic na paliparan sa Ukraine na may katulad na pangalang Yuzmashavia.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Sputnik and The Dawn of the Space Age". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-30. Nakuha noong 2009-08-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Jorden, William J (5 Oktubre 1957). "Soviet Fires Earth Satellite Into Space". The New York Times. Nakuha noong 2007-01-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ralph H. Didlake, KK5PM; Oleg P. Odinets, RA3DNC (28 Setyembre 2007). "Sputnik and Amateur Radio". American Radio Relay League. Nakuha noong 2008-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Sputnik". vibrationdata.com. Nakuha noong 2008-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Sputnik Planitia". Gazetteer of Planetary Nomenclature. International Astronomical Union (IAU) Working Group for Planetary System Nomenclature (WGPSN). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-13. Nakuha noong 2017-09-24. {{cite web}}: Unknown parameter |deadlink= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Pluto Features Given First Official Names". Международный астрономический союз. 2017-09-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-07. Nakuha noong 2017-09-15. {{cite web}}: Unknown parameter |deadlink= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)