Stepan Bandera
Stepan Bandera | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Enero 1909[1]
|
Kamatayan | 15 Oktubre 1959[1] |
Mamamayan | Ikalawang Republikang Polako Austria-Hungary taong walang estado |
Trabaho | politiko[1] |
Pirma | |
Si Stepan Andriyovych Bandera (Ukranyo: Степа́н Андрі́йович; Polako: Stepan Andrijowycz Bandera; palayaw na Baba, kilala rin bilang Stefan Popel; 1 Enero 1909 - 15 Oktubre 1959) ay isang Ukranyo na dulong-kanang pinuno ng radikal na militanteng Organisasyon ng mga Nasyonalistang Ukranyo (OUN-B).
Si Bandera ay ipinanganak sa Austria-Hungary, sa Galisya, sa pamilya ng isang pari ng Simbahang Katolikong Griyegong Ukranyo, at lumaki sa Polonya. Nasangkot sa mga nasyonalistang organisasyon mula sa murang edad, sumali siya sa Organisasyong Militar ng Ukranya noong 1924. Noong 1931, naging pinuno siya ng propaganda ng Organisasyon ng mga Nasyonalistang Ukranyo (OUN), at kalaunan ay naging pinuno ng OUN para sa Polonya noong 1932. Noong 1934 , inorganisa niya ang pagpatay kay Ministro ng Panloob ng Poland na si Bronisław Pieracki. Hinatulan siya ng kamatayan, pagkatapos ay binago sa habambuhay na pagkakakulong.
Pinalaya si Bandera mula sa bilangguan noong 1939 kasunod ng pagsalakay sa Polonya, at lumipat sa Krakoviya. Mula 1940, tumayo siya sa pinuno ng radikal na paksyon ng OUN, ang OUN-B. Noong 22 Hunyo 1941, ang araw na sinalakay ng Alemanya ang Unyong Sobyetiko, binuo niya ang Pambansang Komite ng Ukranya. Ang pinuno ng Komite, si Yaroslav Stetsko, ay inihayag ang paglikha ng estado ng Ukranya noong 30 Hunyo 1941 sa Lviv na nakuha ng Aleman. Nangako ang proklamasyon na makikipagtulungan sa Alemanyang Nazi. Hindi sinang-ayunan ng mga Aleman ang proklamasyon, at dahil sa kanyang pagtanggi na bawiin ang kautusan, si Bandera ay dinakip ng Gestapo. Pinalaya siya noong Setyembre 1944 ng mga Aleman sa pag-asang makakalaban niya ang pagsulong ng Sobyet. Nakipag-usap si Bandera sa mga Nazi upang likhain ang Pambansang Hukbo ng mga Ukranyo at ang Pambansang Komite ng Ukranya noong Marso 1945. Pagkatapos ng digmaan, nanirahan si Bandera kasama ang kanyang pamilya sa Kanlurang Alemanya. Noong 1959, pinaslang si Bandera ng isang ahente ng KGB sa Munich.
Si Bandera ay nananatiling isang lubos na kontrobersyal na pigura sa Ukranya. Maraming Ukranyo ang pumupuri sa kanya bilang isang huwaran na bayani, o bilang isang martir na mandirigma sa pagpapalaya, habang ang ibang mga Ukranyo, partikular sa timog at silangan, ay kinokondena siya bilang isang pasista, o katuwang ng Nazi, na ang mga tagasunod, na tinatawag na Banderite, ay responsable sa mga patayan sa mga Polako, at mga sibilyang Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 22 Enero 2010, iginawad ni Viktor Yushchenko, ang noo'y pangulo ng Ukranya, kay Bandera ang postumong titulo ng Bayani ng Ukranya, na malawak na kinondena. Ang parangal ay kasunod na pinawalang-bisa noong 2011 dahil si Bandera ay hindi kailanman isang mamamayang Ukranyo. Ang kontrobersya tungkol sa pamana ng Bandera ay lalong sumikat kasunod ng pagsalakay ng Rusya sa Ukranya noong 2022.
- ↑ 1.0 1.1 1.2 https://cs.isabart.org/person/159209; hinango: 1 Abril 2021.