Steve Slaton
Steve Slaton | |
---|---|
College | West Virginia University |
Conference | Big East Conference |
Sport | Football |
Position | Tailback |
Class | Junior |
Career | 2005 – present |
Height | 5 tal 10 pul (1.78 m) |
Weight | 195 lb (88 kg) |
Nationality | USA |
Born | Levittown, Pennsylvania | 4 Enero 1986
High school | Conwell-Egan Catholic High School |
Awards | |
2005 Freshman All-American 2005 Sugar Bowl MVP 2005 Big East Rookie of the Year 2006 Doak Walker Finalist 2006 Consensus All-American 2006 Heisman 4th place |
Si Steve Slaton (ipinanganak noong 4 Enero 1986 sa Levittown, Pennsylvania), ay isang junior running back para sa West Virginia University Mountaineers. Si Slaton, kasama ang kakampi sa kuponan na si Patrick White, ay dalawa sa mga nangungunang manlalaro na maaring manalo ng 2007 Heisman Trophy.
Kabataan at personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Slaton ay anak nina Carl Slaton at Juanita Tiggett-Slaton, at mayroon siyang limang kapatid. Maraming pinagdaanang pagsubok si Slaton sa kanyang kabataan. Hanggang sa siya ay nasa unang baitang ng elementarya, ang congestion sa kanyang mga tenga ay dahilan upang siya ay maging bingi sa ilang pagkakataon. Sa kanyang ika-limang baitang sa elementarya, ang kapatid na babae ni Slaton ay pumanaw dahil sa leukemia.[1]
Si Slaton ay naglaro para sa Conwell-Egan Catholic High School sa Fairless Hills, Pennsylvania, kung saan nakapasok siya sa football varsity team bilang isang freshman. Siya ang napiling most valuable player sa Philadelphia Catholic League at pinangalanan bilang miyembro ng all-conference selection sa kanyang apat na taon sa sekondarya. Sa kanyang huling taon sa sekondarya, siya ay nagtala ng 1,836 rushing yards at 26 touchdowns. Siya ay napili para sa first team all-state noong siya ay nasa junior at senior years niya sa sekondarya. SA kanyang karera sa football noong siya ay nasa sekondarya, siya ay nagtala ng higit sa 6,000 career yards at 73 touchdowns, upang magtala ng limang school records. Si Slaton ay inimbitahan upang makilahok sa taunang Big 33 Football Classic subalit tinanggihan niya ang paanyaya.[2]
Si Slaton ay isa ding batikang atleta sa track noong siya ay nasa sekondarya pa. Ang pinakamaganda niyang naitalang oras sa trials ay 7.05, 23-3.05 sa long jump(na ika-anim sa Estados Unidos), at nanalo sa 60-yard dash sa 7.07, sa 200-yard dash sa 23.17, at sa 400-yard dash sa 53.36.[3]
Nakatanggap ng alok para sa academic scholarship si Slaton sa mga pamantasan tulad ng North Carolina, Maryland at Rutgers, ngunit sa huli ay pinili niyang pumasok sa West Virginia University kung saan siya ay kasalukuyang naglalaro bilang isang defensive back.[4][5] Noong una ay pinili niyang tanggapin ang alok ng Maryland, ngunit nagbago ang isip niya ng ibigay ng nasabing pamantasan ang kanilang scholarship kay Morgan Green.[6]
Noong 30 Nobyembre 2006, ipinanganak ang anak ni Slaton na si Julian Xavier Slaton.
West Virginia University
[baguhin | baguhin ang wikitext]2005 season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinimulan ni Slaton ang kanyang freshman year bilang isang 4th string running back. Ang unang laro na linahukan niya ay laban sa Wofford. Nagdala siya ng bola ng walong beses para sa 42 yards at nagtala din ng isang 14-yard reception.
Sa sumunod na dalawang laro ay hindi nagtala ng carries si Slaton, at sa laban nila sa #3 ranked na Virginia Tech, pinangunahan ni Slaton ang kanyang kuponan at nagtala ng 90 rushing yards sa walong carries. Natampok si Slaton sa kanyang kauna-unahang paglahok bilang isang starter sa sumunod na laro laban sa Rutgers kung saan nagtala siya ng 139 rushing yards at isang touchdown upang tulungan ang kanyang kuponan sa isang 27-14 na panalo.
Isa sa mga hindi malilimutang laro ni Slaton sa kasaysayan ng WVU football ay naganap sa sumunod na laro, kung saan nakaharap nila ang University of Louisville. Matapos mapag-iwanan sa puntos na 17-0 sa katapusan ng first half, si Slaton at ang Mountaineers ay tumulak upang ipanalo ang laban mula sa score na 24-7 sa fourth quarter, matapos ang tatlong overtime, sa iskor na 46-44. Matapos maitabla ang laro sa isang onside kick, umabot sa overtime ang laro. Tinapos ni Slaton ang paligsahan sa kanyang pagtala ng 188 yards sa kanyang 31 carries at limang rushing touchdowns. Sa nasabing paligsahan din niya naitala ang kanyang unang receiving touchdown para sa season na iyon. Ang kanyang anim na touchdown ay record para sa WVU at Big East Conference. Pinangalanan siya bilang Walter Camp, USA TOday, at Rivals.com player of the week at Big East player of the week. Nagtala din si Slaton ng 71 yards sa 17 carries sa tagisan ng WVU at Connecticut. Kinailangang lumabas ng maaga sa laro si Slaton dahil na-injure ang kanyang kasu-kasuan ng kanyang kamay.
Ang 17 rushing touchdowns ni Slaton ay tumabla sa ikatlong pinakaraming rushing touchdowns sa isang season sa kasaysayan ng West Virginia football, samantalang ang kanyang 1,128 rushing yards naman ang ika-13 sa rushing yards sa isang season (na nilampasan niya sa kanyang ikalawang taon).
Muling nakita ang galing ni Slaton sa laro ng kanyang kuponan laban sa Cincinnati, kung saan nagtala siya ng 129 yards sa 25 carries at 4 na touchdowns. Upang simulan ang ikalawang quarter, isang mala-Walter Payton na diving touchdown ang ipinakita ni Slaton, na sinundan pa ng dalawang touchdown runs. Sa sumunod na laro, nagtala siya ng tatlong touchdowns (dalawang rushing at isang receiving) laban sa Pitt. Nagtala siya ng 179 rushing yards sa 34 carries sa kanilang 43-13 na panalo. Sa huling laro ng Big East para sa nasabing season, nagtala siya ng 86 yards sa 28 carries at isang touchdown laban sa South Florida Bulls. TInapos ng West Virginia ang regular season ng may record na 10-1 at 7-0 sa Big East, na naging dahilan upang makalahok ang kuponan sa Nokia Sugar Bowl, habang tinapos naman ni Slaton ang season na ma record na 1,128 yards sa 205 attempts at 17 touchdowns.
Nokia Sugar Bowl
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakalahok ang WVU sa Nokia Sugar Bowl dahil sa tagumpay nila sa Big East at nakaharap nila ang University of Georgia Bulldogs sa 2005 Nokia Sugar Bowl noong 2 Enero 2006. Tradisyon na na maganap ang Sugar Bowl sa New Orleans, Louisiana, ngunit ang laban ay naganap sa Georgia DOme sa Atlanta, Georgia dahil sa mga natamong sira ng Superdome mula sa Hurricane Katrina. Sa ikatlong play ng Mountaineers sa unang laro ng serye, naitakbo ni Slaton ang bola ng 52 yards upang gawin ang unang touchdown ng laro. Nakalamang ang Mountaineers 21-0, at nakuha ni Slaton ang ikalawang touchdown para sa laro upang lumamang ng 28-0 laban sa Georgia na ikinamangha ng mga manonood. Dikit ang laban sa score na 31-28 sa simula ng ika-apat na quarter, kung saan nagawa ni Slaton ang kanyang ikatlong touchdown matapos ang isa pang 52-yard run. Sa score na 38-35, siniguro ng punter na si Phil Brady ang panalo matapos ang isang 10-yard fake punt. Pinangalanan si Slaton bilang Sugar Bowl MVP at pagtala ng bagong Sugar Bowl record na 204 yards sa 26 carries at 3 touchdowns. Ang 204 yards ni Slaton ay record, hindi lamang sa Sugar Bowl, kundi naitala din bilang pangalawa sa rushing yards sa isang laro sa BCS.[7]
2006 season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinimulan ni Slaton ang season sa parehong paraan kung paano niya tinapos ang naunang season. Nagawa niya ang kanyang ikalawang magkasunod na 200-yard performance matapos magtala ng 203 yards sa 33 carries at dalawang touchdowns laban sa karibal na kuponan na Marshall. Limitado lamang ang naging paglalaro ni Slaton sa pangalawang laro sa nasabing season laban sa Eastern Washington. Bagaman naglaro lamang si Slaton sa unang dalawang serye sa nasabing laban, nakapagtala pa din si Slaton ng lampas sa 100 yards sa kanyang 105 rushing yards sa 8 carries at 2 touchdowns. Naka-score siya ng isang 49-yard touchdown run sa pangalawang play ng WVU mula sa scrimmage.
Kamangha-mangha din ang ipinakitang galing ni Slaton sa laro ng WVU laban sa Maryland, kung saan nagtala siya ng 149 yards sa unang quarter pa lamang. Si Slaton ay ni-recruit ng Maryland, subalit ang scholarship na inalok nila ay binawi din nila sa kalaunan. TInapos ni Slaton ang laro ng may record na 195 yards sa 21 carries at 2 touchdowns. Tinulungan ni Slaton ang Mountaineers sa kanilang ika-apat na panalo para sa season sa kanyang 80 yards sa 24 carries laban sa East Carolina Pirates.
Ipinanalo ng Mountaineers ang kanilang ikalimang laban nila para sa season bagama't maganda din ang ipinakiyang run defense ng Mississippi State. Tinapos ni Slaton ang laro ng may 185 yards sa kanyang 26 carries at ika-pitong touchdown para sa season. Sa unang laro sa Big East para sa season, hinawakan ng WVU ang laro sa pamamagitan ng mahusay na ground game upang talunin ang Syracuse Orangemen sa score na 41-17 upang manatiling walang talo. Natala sa 457 yards on the ground ang total ng WVU at limang touchdowns. Dinala ni Slaton ang bola ng 20 beses para sa 163 yards, kasama ang isang 52-yard touchdown run. Sa isang laro nila laban sa Connecticut Huskies sa biyernes ng gabi na napapanood ng buong bansa, dinala ni Slaton ang bola ng labin-siyam na beses para sa 128 yards, kasama na ang isang career-high na 56-yard touchdown run.
Sa kanilang Big East game laban sa Louisville, hindi nakayanang ulitin ni Slaton ang magandang naipakita niya sa nakaraang taon. Matapos ang isang kahanga-hangang first half, nag-commit ng dalawang magkasunod na fumbles si Slaton sa 3rd quarter. Lumabas din sa laro si Slaton sa 3rd quarter dahil sa hirap siyang hawakan ang bola matapos masaktan ang kanyang siko mula sa tama ng helmet. Bumalik siya sa laro sa 4th quarter upang tumulong sa paghabol sa laro subalit dahil sa kahinaan ng depensa, ay nagtapos ang laro pabor sa Louisville, 44-34. Tinapos ni laro na may record na 156 yards sa 18 carries at isang 42-yard touchdown run. DInagdagan ito ni Slaton ng 74 yards sa tatlong receptions.
Sa ika-9 na laro ng nasabing season, nagpakitang gilas si Slaton sa kanyang 65 at 63-yard runs upang tulungan ang WVU na makabalik sa laban at talunin ang Cincinnati 42-24. Tinapos ni Slaton ang laban ng may 148 yards at dalawang touchdown sa kanyang 12 carries. Ang pinakakagilagilalas na run ay naganap sa ikalawang quarter, kung saan si Slaton ay nagawan ng isang draw play at nagawa niyang maiwan ang buong depensa ng Cincinnati para as isang 65-yard touchdown run, na pinaka-mataas sa kanyang karera sa kolehiyo. Sa ika-99 na pagkikita sa Backyard Brawl laban sa Pittsburgh, muling nagpakita ng napakagandang laro si Slaton. Bagama't hindi siya agad umarangkada sa unang half (6 yards sa 7 carries), siya ang naging kauna-unahang Mountaineer na nagtala ng lampas 100 rushing yards (215) at 100 receiving yards (130) sa isang isang laro. Ang naitalang 215 yards, na isang career-high, ay nagawa niya sa 23 carries, at ang kanyang 130 receiving yards, na isa ring career-high, ay nanggaling sa anim niyang receptions sa unang half, kasama ang 67-yard pass mula kay White na natapos sa unang score ng West Virginia sa nasabing laro. Nadagdagan pa ito ng apat na touchdown, tigalawa sa receiving at rushing. Sa sumunod na linggo, nalimitahan si Slaton sa 43 yards sa 18 carries dahil sa mahigpit na depensa ng South Florida, kung saan natalo ang WVU, 24-19.
Sa huling laro ng regular season, sa harap ng buong estados unidos, malaki ang itinulong ni Slaton na manalo sa isang 43-39 triple overtime na laro laban sa Rutgers, kahit wala ang star quarterback na si Pat White. SIya ay nagtala ng 112 yards sa 23 carries at dalawang touchdowns, ang isa ay nagawa niya sa overtime. Si Jarret Brown, na humalili kay White, ay nagtala ng 244 passing yards at isang touchdown at 73 rushing yards at isang ground score.
Tinapos ni Slaton ang nasabing season na may 1,744 yards sa 248 carries at 16 na touchdowns habang siya ay may wrist injury sa buong season. Ang kanyang 1,744 yards ay ang pangatlo sa buong bansa, habang ang kanyang average yards per run ang ika-siyam at ang touchdowns naman ay tumabla sa ika-walong pwesto. Ang kanyang yardage ay isang record sa West Virginia sa rushing yards, na umalpas sa itinala ni Avon Cobourne's na 1,710 yards, at siya din ang ika-22 sa record ng West Virginia para sa most offense sa isang season. Ang kanyang 360 reception yards sa isang season ay pumapanagalwa laman sa itinala ng fullback na si Jim Braxton na nagtala ng 565 yards, habang habang ang kanyang namang 27 reception ay tumabla sa ikatolong pwesto para sa isang back sa isang season. Ang kanyang 2,104 all-purpose yards ay isang record sa West Virginia. Sa nasabing season, ang pinagsamang yards ni Slaton at ng quarterback na si Pat White ay umabot sa 2,963 yards at 34 rushing touchdowns.
Toyota Gator Bowl
[baguhin | baguhin ang wikitext]Limitado ang naging paglalaro ni Slaton sa Gator Bowl dahil sa kanyang deep thigh bruise. Nanalo ang Mountianeers laban sa Georgia Tech Yellowjackets, 38-35, at malaki ang ginawa ng mga kakampi ni Slaton na si Pat White, Pat McAfee at Owen Schmitt. Si Schmitt ang humalili kay Slaton at nagtala siya ng 109 rushing yards sa 13 carries at dalawang touchdowns habang si Slaton ay nagtala lamang ng 11 yards sa tatlong carries at dalawang receptions para sa 20 yards.
2007 season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi nakasali si Slaton sa spring practice dahil sa connective surgery sa kanyang wrist. Nakasali naman siya sa conditioning drills noong summer matapos ang kanyang rehab.
Sa unang laro ng season laban sa Western Michigan, Hirap si Slaton sa kanyang mga rush dahil tinutukan siya ng depensa ng kabilang kuponan, ngunit nakatanggap din siya ng isang 50-yard touchdown pass. Siya ay nagtala lamang ng 21 yards sa unang half, at dahil dito ay nagawa ni Patrick White na magkaroon ng career-day. Umarangkada si Slaton sa second half sa kanyang 58 yard touchdown score. Natapos ang laban sa pabor ng WVU, 62-24, at si Slaton ay gumawa ng 109 rushing yards at 3 touchdowns at 61 receiving yards sa 2 receptionsat isang touchdown.[8] SA pangalawang linggo ng season, matapos malimitahan sa 2 yards sa 5 carries sa unang half. Umarangkada si Slaton at ang mga kakampi niya sa second half upang talunin ang Marshall, 48-23 sa harap ng pinakamalaking audience sa Joan C. Edwards Stadium, sa Huntington, West Virginia. Tinapos ni Slaton ang laro ng may 146 yards sa 24 carries at dalawang touchdown runs. Sa larong ito, si Slaton ang naging pangatlongf Mountaineer na lumampas sa 3,000 rushing yards sa kanyang karere at naging all-time leader sa touchdowns (43), matapos lampasan ang record na 42 touchdowns nina Ira Rodgers, Avon Cobourne, at Amos Zereoue.
Estadistika ng karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]WVU | Rushing | Receiving | Defense | ||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Season | Games | Att | Yds | Avg | Lg | TD | Rec | Yds | Avg | Lg | TD | Solo | Assist | Tackle | |||
2005 | 10 | 205 | 1,128 | 5.5 | 52 | 17 | 12 | 95 | 7.9 | 19 | 2 | 0 | 0 | 0 | |||
2006 | 13 | 248 | 1,744 | 7.0 | 65 | 16 | 27 | 360 | 13.3 | 67 | 2 | 2 | 0 | 2 | |||
2007 | 3 | 66 | 392 | 6.0 | 58 | 8 | 5 | 81 | 16.2 | 50 | 1 | 0 | 0 | 0 | |||
Total | 26 | 519 | 3,264 | 6.3 | 65 | 41 | 44 | 536 | 12.2 | 67 | 5 | 2 | 0 | 2 |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.post-gazette.com/pg/05303/597355.stm
- ↑ "Steve Slaton". Player Profile. MSNsportsNET.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-27. Nakuha noong 2007-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-13. Nakuha noong 2007-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-02. Nakuha noong 2007-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-29. Nakuha noong 2007-09-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://sports.aol.com/fanhouse/2007/07/31/terptv-maryland-tackles-the-small-screen/
- ↑ "BSC Records". Bcsfootball.org. 2006-07-09. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-10-13. Nakuha noong 2006-10-14.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ http://sports.espn.go.com/ncf/recap?gameId=272440277
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- MSNSportsNET Player Profile Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine.
- Steve Slaton @ ESPN.com
- Steve Slaton NCAA Stats
- Steve Slaton Freshman Season Highlight Video[patay na link]
Sinundan: Kay-Jay Harris |
WVU Starting Running Back 2005- |
Susunod: Incumbent |
Sinundan: Brian Toal |
Big East Rookie of the Year 2005 |
Susunod: Matt Grothe |
Sinundan: Jason Campbell |
Sugar Bowl MVP 2006 |
Susunod: JaMarcus Russell |