Pumunta sa nilalaman

New Orleans

Mga koordinado: 29°58′34″N 90°04′42″W / 29.9761°N 90.0783°W / 29.9761; -90.0783
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa New Orleans, Louisiana)
New Orleans

New Orleans
La Nouvelle-Orléans
lungsod, big city, consolidated city-county
Watawat ng New Orleans
Watawat
Eskudo de armas ng New Orleans
Eskudo de armas
Palayaw: 
NOLA, The Big Easy, Crescent City
Map
Mga koordinado: 29°58′34″N 90°04′42″W / 29.9761°N 90.0783°W / 29.9761; -90.0783
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonOrleans Parish, Louisiana, Estados Unidos ng Amerika
Itinatag1718
Pamahalaan
 • Mayor of New OrleansLaToya Cantrell
Lawak
 • Kabuuan906.099114 km2 (349.846824 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2020, Senso)[1][2]
 • Kabuuan383,997
 • Kapal420/km2 (1,100/milya kuwadrado)
Websaythttps://nola.gov/

Ang New Orleans ( /ˈɔːrl(i)ənz,_ɔːrˈlnz/,[3] lokal /ˈɔːrlənz/;[4] Pranses: La Nouvelle-Orléans [la nuvɛlɔʁleɑ̃]  ( pakinggan)) ay isang pinagsama-samang parokyang-lungsod sa Ilog Mississippi sa timog-silangang rehiyon ng estado ng Estados Unidos ng Louisiana. May isang populasyon na 383,997 sang-ayon sa senso noong 2020 ng Estados Unidos,[5] ito ang pinakamataong lungsod sa Louisiana. Nagsisilbing isang pangunahing daungan, tinuturing ang New Orleans bilang isang ekonomiko at pangkomersyong sentro para sa mas malawak na rehiyong Baybaying Gulpo ng Estados Unidos.

Kilala ang New Orleans sa buong mundo sa kakaibang musika nito, natatanging diyalekto, lutuing Kreolo, at taunang pagdiriwang at pista nito, pinakakilala ang Mardi Gras. Ang Kuwadrang Pranses ang makasaysayang sentro ng lungsod na tanyag sa arkitekturang Kreolong Kastila at Pranses at masiglang panggabing buhay sa may Kalye Bourbon. Naisalarawan ang lungsod bilang ang "pinakakakaiba" sa Estados Unidos,[6][7][8][9] malaking bahagi nito sa pamanang salungatang-kalinangan at maramihang-wika.[10] Karagdagan pa nito, unti-unting nakikilala ang New Orleans bilang ang "Hollywood sa Timog" dahil sa prominenteng pagganap nito sa industriya ng pelikula at sa popular na kultura.[11][12]

Itinatag noong 1718 ng kolonistang Pranses, minsan naging pangteritoryong kabisera ng Louisianang Pranses bago naging bahagi ng Estados Unidos noong 1803 sa Pagbili ng Louisiana. Pangatlong pinakamataong lungsod ang New Orleans noong 1840 sa Estados Unidos,[13] at ang pinakamalaking lungsod sa Amerikanong Timog mula sa panahon ng Antebellum hanggang sa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kasaysayan, napakamadaling bahain ang lungsod, dahil sa mataas na antas ng pag-ulan, mababang elebasyon, hindi magandang likas na paagusan, at pagiging malapit nito sa anyong tubig. Naglagay ang mga awtoridad ng Estado at pederal ng mga kumplikadong sistema ng levees at mga pambombang paagusan sa isang pagsisikap na ipagsanggalang ang lungsod.[14][15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://data.census.gov/cedsci/table?q=United%20States&tid=DECENNIALPL2020.P1; hinango: 21 Setyembre 2021.
  2. https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 1 Enero 2022.
  3. New Orleans. Merriam-Webster. (sa Ingles)
  4. Romer, Megan. "How to Say 'New Orleans' Correctly". About Travel (sa wikang Ingles). about.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2015. Nakuha noong Enero 31, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo October 16, 2015[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  5. "QuickFacts: New Orleans city, Louisiana". United States Census Bureau (sa wikang Ingles). Agosto 10, 2021. Nakuha noong Agosto 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Institute of New Orleans History and Culture Naka-arkibo 2006-12-07 sa Wayback Machine. at Gwynedd-Mercy College (sa Ingles)
  7. "Hurricane on the Bayou – A MacGillivray Freeman Film". Hurricane on the Bayou (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 15, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. David Billings, "New Orleans: A Choice Between Destruction and Reparations", The Fellowship of Reconciliation, Nobyembre/Disyembre 2005 (sa Ingles)
  9. Damian Dovarganes, Associated Press, "Spike Lee offers his take on Hurricane Katrina", MSNBC, Hulyo 14, 2006 (sa Ingles)
  10. "The Founding French Fathers" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 26, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Hollywood South: Why New Orleans Is the New Movie-Making Capital". ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Hollywood South: Film Production and Movie Going in New Orleans". New Orleans Historical (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Population of the 100 Largest Urban Places: 1840" (sa wikang Ingles). United States Census Bureau. 1998.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "About the Orleans Levee District". Orleans Levee (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 25, 2018. Nakuha noong Hulyo 7, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo June 25, 2018[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  15. Jervis, Rick. "Fifteen years and $15 billion since Katrina, New Orleans is more prepared for a major hurricane – for now". USA TODAY (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)