Pumunta sa nilalaman

Styracosaurus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Styracosaurus
Temporal na saklaw: Huling Kretasyo (o Huling Kretasiko)
Bungo ng Styracosaurus albertensis, Amerikanong Museo ng Likas na Kasaysayan.
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klado: Dinosauria
Orden: Ornithischia
Suborden: Ceratopsia
Pamilya: Ceratopsidae
Subpamilya: Centrosaurinae
Klado: Centrosaurini
Sari: Styracosaurus
Lambe, 1913
Mga uri
  • S. albertensis Lambe, 1913 (tipo)
  • S. ovatus Gilmore, 1930

Ang Styracosaurus (bigkas: /stɪˌrækəˈsɔrəs/ o [is-tay-ra-ko-saw-rus/], na may ibig sabihing "may pantusok o sungay na butiki" mula sa Griyego styrax/στυραξ = 'tulis sa may puwitan ng isang haba ng pana' at saurus/σαυρος = 'butiki')[1] ay isang sari ng herbiborong dinosaurong ceratopsia mula sa Panahong Kretasiko (o Cretaceous) sa yugtong Campaniano, mga 76.5 hanggang 75.0 milyong taon na ang nakararaan. Mayroon itong mga apat hanggang anim na mahahabang mga sungay na nagbubuhat mula sa lukot o lupi ng leeg, isang mas maliit na sungay sa bawat pisngi nito, at isang sungay na umuusli mula sa ilong nito, na maaaring umabot sa mga kasukatang nasa 60 mga sentimetro (2 talampakan) ang haba at 15 mga sentimetro (6 mga pulgada) ang lapad. Paksa ng pagtatalo sa loob ng maraming mga taon ang tungkulin o gampanin ng mga sungay at mga lukot o lupi.

Isang malaking dinosauro ang Styracosaurus, na umaabot sa mga habang 5.5 mga metro (18 mga talampakan) at tumitimbang na malapit sa 3 mga tonelada. Tumayo itong umaabot sa 1.8 mga metro (6 talampakan) ang taas. Umaangkin ito ng apat na maiikling mga hita at isang matipunong katawan. Maikli ang buntot nito. Mayroon din itong isang tuka at sapad na mga ngipin sa pisngi, na tanda ng pagiging kumakain ng halaman. Katulad ng iba pang mga seratopsyano (ceratopsian), maaaring isa itong bahagi ng kawan ng mga hayop na naglalakbay sa piling ng malalaking mga pangkat, katulad ng iminumungkahi ng mga himlayan ng mga buto.

Pinangalanan ito ni Lawrence Lambe noong 1913, at kasapi sa Centrosaurinae. Dalawang mga uri, S. albertensis at S. ovatus ang pangkasulukuyang nakatalaga sa Styracosaurus. Naitalaga na sa iba pang kahanayan ang iba pang mga uring dating kasama sa saring ito.

  1. Liddell & Scott (1980). Greek-English Lexicon, Abridged Edition. Palimbagan ng Pamantasan ng Oxford, Oxford, UK. ISBN 0-19-910207-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na mga kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]