Pumunta sa nilalaman

Tubo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sugar cane)
Tubo Saccharum officinarum sa Kew Gardens, London

Ang tubo /tu·bó/ ay isang genus ng 6 hanggang 37 mga species (depende sa interpretasyong taksonomiya) ng mga matataas na damo (pamilya Poaceae, tribo Andropogoneae), likas sa maiinit na lugar sa rehiyong tropikal ng Lumang Mundo. Ang mga ito ay matataba, maraming hilatsa ang tangkay, sa taas na 2 hanggang 6 na metro, at mayaman ang dagta nito sa asukal.

Mayroong 13 milyong hektarya ng mga patanimang bukid ng tubo sa buong mundo, kasama ang mahigit sa 100 bansa na pinapatubo ang tanim. Kabilang sa malalaking tagapag-ani ang Brazil, India, at Tsina.

Sa Pilipinas, ang pulo ng Negros (kung saan matatagpuan ang lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental), ang sentro ng mga taniman ng mga tubo. Tinatayang nasa 2/3 ng mga tubo sa Pilipinas ay tinatanim dito.

Tinatawag na sanduyong ang mga uri ng tubong may mapupula't purpurang kulay.[1] Tinagurian namang taad ang mga putol ng tubong itinatanim para makapagpatubo ng bagong halamang tubo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Sanduyong, taad". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

BotanikaAgrikultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika at Agrikultura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.