Suva
Suva | |
---|---|
Mga koordinado: 18°08′00″S 178°26′00″E / 18.1333°S 178.4333°E | |
Bansa | Fiji |
Lokasyon | Rewa, Central Division, Fiji |
Lawak | |
• Kabuuan | 2,048 km2 (791 milya kuwadrado) |
Populasyon (2009) | |
• Kabuuan | 88,271 |
• Kapal | 43/km2 (110/milya kuwadrado) |
Websayt | http://www.suvacity.org |
Ang Suva (Bigkas sa Fiyiyano: [ˈsuβa]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking kalakhang lungsod ng Fiji. Matatagpuan ito sa timog-silangang baybayin ng pulo ng Viti Levu, sa Lalawigan ng Rewa, Gitnang Dibisyon.
Noong 1877, napagpasyahan na gawin ang Suva na kabisera ng Fiji, habang ang heograpiya ng dating pangunahing paninirahang Europeo sa Levuka sa pulo ng Ovalau, lalawigan ng Lomaiviti ay masyadong mahigpit. Ang administrasyon ng kolonya ay nalipat mula Levuka patungong Suva noong 1882.
Sang-ayon sa senso noong 2017, may populasyon ang lungsod ng Suva ng 93,970.[1] Kabilang ang malayang suburbano, ang populasyon ng Kalakihang Suva na urbanong lugar ay 185,913 noong senso ng 2017.[2] May kabuuang urbanong populasyon ang Suva, kasama ang mga nasa hangganang mga bayan ng Lami, Nasinu, at Nausori, ng tinatayang mga 330,000, mga isang-katlo ng populasyon ng buong bansa. Kilala din ang urbanong kompleks (hindi kabilang ang Lami) bilang koridor ng Suva-Nausori.
Ang Suva ay sentrong pampolitika, ekonomiko at pangkalinangan ng Fiji. Ito rin ang ekonomiko at pangkalinangang kapital ng Timog Pasipiko, na kinalalagyan ng pangunahing pang-rehiyon na punong tanggapan ng mga pangunahing korporasyon, gayon din ang mga ahensyang internasyunal at diplomatikong misyon sa rehiyon. Mayroon din ang lungsod ng lumalagong eksenang sining at pagtatanghal, na may isang lumalagong reputasyon bilang ang kabisera ng moda ng rehiyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Fiji Islands Bureau of Statistics – Population and Demography" (sa wikang Ingles). Statsfiji.gov.fj. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-10-19. Nakuha noong 10 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2007 Census of Population and Housing" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2 Pebrero 2017. Nakuha noong 25 Enero 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)