Pumunta sa nilalaman

Sven Hedin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sven Anders Hedin)
Si Dr. Sven Hedin.

Si Sven Anders Hedin (Pebrero 19, 1865 sa EstocolmoNobyembre 26, 1952 sa Estocolmo) ay isang Suwekong heograpo, topograpo, manunuklas (eksplorador), potograpo (litratista), manunulat, at mangguguhit ng larawan para sa kanyang mga akda. Siya ang unang eksplorador na nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundong nakatuklas at naglakbay sa Bulubundukin ng Gandise  – na nakilala rin bilang Bulubunduking Hedin o Nasasakupang Hedin (Hedin Range)  – mula 1905 hanggang 1908. Detalyado niyang nilarawan ang bulubunduking ito. Pati na ang tungkulin ng bulubundukin bilang isang kanlungan ng tubig sa pagitan ng mga kailugan ng Indus at ng Tsangpo, pati ng hilagang Tibet. Naglathala si Hedin ang kanyang mga ulat hinggil sa kanyang tatlong taong paglalakbay sa mga bundok na ito. Pinamagatan ang kanyang ulat bilang Transhimalaya, isang lathalaing may tatlong tomong o bolyum.[1]

  1. Sven Hedin, Gangdise Shan, SummitPost.org


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.