Pumunta sa nilalaman

Shiogama

Mga koordinado: 38°18′51.7″N 141°01′19.1″E / 38.314361°N 141.021972°E / 38.314361; 141.021972
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Syiogama, Miyagi)
Shiogama

塩竈市
Paikot sa kanan mula sa itaas: Kapuluang Urato; Dambana ng Shiogama; Pista ng Pantalan ng Shiogama; Pantalan ng Shiogama
Watawat ng Shiogama
Watawat
Opisyal na sagisag ng Shiogama
Sagisag
Kinaroroonan ng Shiogama sa Prepektura ng Miyagi
Kinaroroonan ng Shiogama sa Prepektura ng Miyagi
Shiogama is located in Japan
Shiogama
Shiogama
 
Mga koordinado: 38°18′51.7″N 141°01′19.1″E / 38.314361°N 141.021972°E / 38.314361; 141.021972
Bansa Hapon
RehiyonTōhoku
PrepekturaMiyagi
Lawak
 • Kabuuan17.37 km2 (6.71 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Hunyo 1, 2019)
 • Kabuuan52,662
 • Kapal3,000/km2 (7,900/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoShiogama Sakura
- BulaklakPuting Krisantemo
Bilang pantawag022-364-1111
Adres1-1 Asahimachi, Shiogama-shi, Miyagi-ken 985-8501
Websaythttp://www.city.shiogama.miyagi.jp/

Ang Shiogama (塩竈市 o 塩釜市, Shiogama-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 1 Hunyo 2019 (2019 -06-01), may tinatayang populasyon na 52,662 katao ang lungsod at densidad na 3,032 tao sa bawat kilometro kuwadrado sa 23,270 mga kabahayan.[1] Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 17.37 square kilometre (6.71 mi kuw).

Ang "Shiogama" ay nagngangahulugang "hurno ng asin" at tumutukoy sa isang pampook na rituwal na Shinto na may kinalaman sa pagyari ng asin mula sa tubig-alat, na ginagawa pa rin tuwing Hulyo. Minsang isinusulat ang pangalan gamit ang kanji na 塩釜 sa halip ng 塩竈, at opisyal na pinapahintulutan ang kapuwang mga baybay. Kapuwang binibigkas na gama ang 釜 at 竈 (mga tambalan), ngunit bilang mga salitang hiram binibigkas ang mga ito na kama at kamado, ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang isang kamado (竈, "pugon" o "hurno) ay ang inilalagay ng kama (釜, "tahure"), kaya hindi ganap na maaaring pagsalitin ang dalawa. Ang 塩竈 ay ang uring opisyal na ginagamit ng lungsod, subalit para sa mas-madaling pagsulat, ang 釜 na may sampung mga guhit ay kalimitang ginagamit sa halip ng 竈 na may 21 mga guhit, tulad sa Estasyon ng Shiogama.[2]

Ang Dambana ng Shiogama (Shiogama Jinja) ay gumagamit ng salitang 鹽竈, na may arkaikong panitik para sa asin. Madalang na makita ang pangatlong uri na ito sa labas ng kontekstong ito.

Ang lugar ng kasalukuyang Shiogama ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu, at tinitirhan na ng mga Emishi mula noong panahong Jōmon. Noong panahong Nara, napunta ito sa kapangyarihan ng dinastiyang Yamato na nakabase sa kalapit na Tagajō at pinakamahalagang pantalang pandagat ito sa Mutsu. Natuklas ang mga guho ng kabiserang panlalawigan ng Lalawigan ng Mutsu sa loob ng mga hangganan ng lungsod. Noong huling bahagi ng panahong Heian, ang lugar ay pinamunuan ng Hilagang Fujiwara. Noong panahong Sengoku, pinagtatalunan ng iba-ibang mga angkang samurai ang lugar bago ito napunta sa kapangyarihan ng angkang Date ng Dominyong Sendai noong panahong Edo, sa ilalim ng kasugunang Tokugawa.

Itinatag ang bayan ng Shiogama kasabay ng pagtatag ng sistema ng makabagong mga munisipalidad noong Abril 1, 1889, kasunod ng pagpapanumbalik ng Meiji. Sinama ang ilang mga bahagi ng Tagajō at Shichigahama sa Shiogama noong Setyembre 1, 1938. Itinaas ito sa katayuang panlungsod ang Shiogama noong Nobyembre 23, 1941 (pang-187 sa buong bansa, pangatlo sa Miyagi). Idinugtong ng lungsod ang pook ng Gyūchi ng kalapit na Tagajō noong Disyembre 1, 1949, at nayon ng Urato noong Abril 1, 1950.

Nakaapekto sa lungsod ang tsunami na idinulot ng lindol noong 2011,[3] bagamat hindi matindi ang idinulot na pinsala sa industriyang pangingisda nito.[4]

Ang Shiogama ay nasa gitna-hilagang bahagi ng Prepektura ng Miyagi at kahangga ang Karagatang Pasipiko sa silangan.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Prepektura ng Miyagi

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[5] hindi tumitinag ang pagbabago ng populasyon ng Shiogama sa nakalipas na 40 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1970 59,772—    
1980 61,040+2.1%
1990 62,025+1.6%
2000 61,547−0.8%
2010 56,490−8.2%

Malakihang nakabatay ang ekonomiya ng Shiogama sa komersiyal na pangingisda, lalo na ng tuna, at pagproseso ng isda. Ipinagmamalaki rin ng lungsod ang pinakamaraming dami ng mga restorang sushi sa Hapon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Shiogama city official statistics Naka-arkibo 2018-05-04 sa Wayback Machine.(sa Hapones)
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-11. Nakuha noong 2020-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://themes.thestar.com/photo/0eira3V9EGfFA a tsunami wave engulfing vehicles and houses in Shiogama
  4. Aoki, Mizuho, "Fish processors rise to challenge", Japan Times, 9 Abril 2011, p. 3.
  5. Shiogama population statistics

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]