Pumunta sa nilalaman

Injunction

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa TRO)

Ang isang injunction (maaring isalin sa Tagalog bilang direktiba, utos, atas, pagtatakda o pagbabawal; maari din gamitin ang katawagang hinango mula sa Kastila: mandayemento hudisyal) ay isang remedyong makatarungan[a] sa anyo ng isang natatanging utos ng korte na inoobliga ang isang partido na itigil ang partikular na akto.[1] "When a court employs the extraordinary remedy of injunction, it directs the conduct of a party, and does so with the backing of its full coercive powers."[2] (Kapag ginamit ng korte ang remedyong ekstraordinaryo ng atas, dinidirekta nito ang kilos ng isang partido, at ginagawa nito na may suporta ng buong kapangyarihan nitong pumilit.) Kung bigong sumunod sa atas, makakaharap ang may kaso ng mga parusang kriminal at sibil, kabilang ang parusang pananalapi at kahit pagkakakulong. Maari din silang makasuhan na desakato o pagsuway sa korte.

Makatuwirang paliwanag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang injunction ay isang remedyong makatarungan,[3] iyan ay, isang remedyo na nagmula sa mga korteng Ingles ng ekwidad. Tulad ng ibang remedyong makatarungan, tradisyunal itong binibigay kapag ang isang mali ay hindi epektibong mareremedyohan ng isang gantimpalang salaping danyos. (Ang doktrina na sinasalamin nito ay ang pangangailangan na ang isang injunction ay maaring ibigay kapaga "walang sapat na remedyo sa batas.") Nilalayon ng mga injunction na maging buo muli ang sinumang nilabagan ng mga karapatan. Gayunpaman, kapag nagpapasya kung igagawad ang isang injunction, isinaalang-alang ng mga korte ang interes ng di-partido (iyan ay, ang interes pampubliko). Kapag nagpapasya kung magbibigay ng isang injunction, at dinedesisyunan kung ang magiging sakop nito, nagbibigay ng natatanging atensyon ang mga korte sa kuwestiyon ng pagiging patas at mabuting hangarin. Isang pagpapakita nito ay ang mga injunction na napapailalim sa mga depensang makakatarungan, tulad ng kapabayaan at hindi malinis na kamay.[4]

Binibigay ang mga injunction sa maraming iba't ibang uri ng kaso. Maari nilang ipagbawal ang mga paglabag sa batas sa hinaharap, tulad ng pagpasok sa gusali o bahay na walang pahintulot, paglabag sa isang patentado, o paglabag sa isang karapatang pangkonstitusyon (halimbawa, ang malayang paghayag ng relihiyon). O, maaring utusan ang nasasakdal na ayusin ang nakaraang mga paglabag sa batas.

Kinakailangan ng isang injunction na may gawin ang isang indibiduwal o pangkat, tulad paglilinis ng tumagas na langis o pagtanggal ng bakod na itinayo upang magyamot. O maari din itong ipagbawal na may gawin ang isang indibiduwal, tulad ng ilegal na pagkuha ng lihim sa pangangalakal. Nangangailangan ang isang injunction ng pagkilos na tinatawag na "mandatory injunction" o "mandatoryong utos." Ang isang injunction na ipinagbabawal ang isang pagkilos ay tinatawag na "prohibitory injunction" o "utos na nagbabawal."[5] Maraming mga injunction ay pareho—iyan ay, mayroon silang parehong bahaging mandatoryo at nagbabawal, dahil nangangailangan sila ng ilang kilos at ipinagbabawal na kilos.

Kapag naibigay ang isang injunction, maaring ibigay ito na may makatarungang mga mekanismong pagpapatupad, tulad ng pagsuway.[6] Maari din ito na baguhin o mabuwag (sa isang karampatang mosyon ng korte) kung nagbago ang mga kalagayan sa hinaharap.[7] Pinapahintulot ng mga tampok na ito ng injunction ang korte na igawad ito upang pamahalaanan ang kilos ng mga partido. Ito ang pinakamahalagang pagkakaiba sa pagitan ng injunction at ibang di-pananalaping remedyo sa batas Amerikano, ang declaratory judgment o "husgang nagpapaliwanag".[8] Ang isa pang paraan sa mga dalawang remedyong ito na ipinagkakaiba ay ang husgang nagpapaliwanag ay mayroon na noong maagang punto ng isang alitan kaysa ang injunction.[8]

Kautusan ng pansamantalang pagpigil

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kautusan ng pansamantalang pagpigil o temporary restraining order o TRO sa Ingles ay isang atas ng hukuman na naglalayong kagyat na ipatigil pansamantala ang anumang ginagawa o balak gawin upang maiwasan ang malubhang kapinsalaan o perhuwisyo sa isang panig.[9] Karaniwang may takdang bisa ito sa loob ng 72 oras o hanggang 20 araw sa pinakamatagal

  1. Mayroon din ito minsan bilang isang remedyong legal, kilala din bilang isang "legal injunction" o "injunction at law." Sa kasong ito, pinalawig sa batas ang injunctive relief (o atas na pampahupa) aliman sa pamamagitan ng kautusang umiiral o sa mga korte ng karaniwang-batas na hinihiram mula sa ekwidad.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 28 U.S.C. § 2342 ("The court of appeals ... has exclusive jurisdiction to enjoin, set aside, suspend (in whole or in part), or to determine the validity of...."); 8 U.S.C. § 1252(f) ("Limit on injunctive relief'); Jennings v. Rodriguez, 583 U.S. ___, ___, 138 S.Ct. 830, 851 (2018); Wheaton College v. Burwell, 134 S.Ct. 2806, 2810-11 (2014) ("Under our precedents, an injunction is appropriate only if (1) it is necessary or appropriate in aid of our jurisdiction, and (2) the legal rights at issue are indisputably clear.") (tinanggal ang mga panloob na panipi at panaklong); Lux v. Rodrigues, 561 U.S. 1306, 1308 (2010); Correctional Services Corp. v. Malesko, 534 U.S. 61, 74 (2001) (sinasabi na "injunctive relief has long been recognized as the proper means for preventing entities from acting unconstitutionally."); Nken v. Holder, 556 U.S. 418 (2009); tingnan din ang Alli v. Decker, 650 F.3d 1007, 1011 (3d Sir. 2011); Andreiu v. Ashcroft, 253 F.3d 477, 482-85 (ika-9 na Sir. 2001) (en banc). (sa Ingles)
  2. Nken v. Holder, 556 U.S. 418 Naka-arkibo 2018-11-23 sa Wayback Machine., 428 (2009) (tinanggal ang mga banggit at panipi).
  3. Weinberger v. Romero-Barcelo, 456 U.S. 305, 311 (1982). (sa Ingles)
  4. Bray, Samuel (2014). "A Little Bit of Laches Goes a Long Way: Notes on Petrella v. Metro-Goldwyn-Mayer, Inc". Vanderbilt Law Review En Banc (sa wikang Ingles). 67: 1. SSRN 2376080.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Dobbs, Dan (1993). Law of Remedies: Damages—Equity—Restitution (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). St. Paul, Minnesota: West Publishing Co. p. 224. ISBN 0-314-00913-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. International Union, United Mine Workers of America v. Bagwell, 512 U.S. 821 (1994). (sa Ingles)
  7. Jost, Timothy Stoltzfus (1986). "From Swift to Stotts and Beyond: Modification of Injunctions in the Federal Courts". Texas Law Review (sa wikang Ingles). 64: 1101.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Bray, Samuel (2014). "The Myth of the Mild Declaratory Judgment". Duke Law Journal (sa wikang Ingles). 63: 1091. SSRN 2330050.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Restraining order". English-Filipino Legal Dictionary. 2011.