Tagagamit:ItoNa/Requiem Aeternam
Ang panalyangin para sa walang-hanggang kapahingahan o Requiem Aeternam sawikang Latin (wikang Ingles: Eternal rest) ay isang panalangin sa mga Kanluraning Simbahan na ipinagdarasal:
- Ang mga kaluluwa sa Purgatoryo na nawa’y mapapahinga sila sa Kalangitan. (Ayon sa Katolisismo lamang.)[1]
- Ang mga kaluluwa sa Kalangitan na nawa’y napapahinga sila sa pagmamahal ng Diyos hanggang sa muling pagkabuhay ng mga patay at Huling Paghuhukom. (Ayon sa Katolisismo, Anglikanismo, Metodismo, Luteranismo.)
Teolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinuturo ng Simbahang Katolika na kailangan ipagdasal ang mga patay, lalo na ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.[2] Nakasulat sa mga puntong 1030 at 1032 ng Katekismo ng Simbahang Katolika na:
Lahat na namatay sa grasya’t pagkakaibigan ng Diyos, ngunit hindi nadalisayin nang kumpleto, ay matatanggap ng buhay na walang-hanggan; ngunit madadalisayin sila pagkatapos silang mamatay upang makamit ng kinakailangang kasantuhan upang makapasok sa kasayahan ng Kalangitan...Ang turong ito ay base sa tradisyon ng pagdarasal para sa mga patay, na isinulat sa Banal na Kasulatan: “ginawa [ni Judas Macabeo] ang paghahandog na iyon (panalangin para sa patay) upang ang pagkakasala ng mga namatay na ito ay patawarin.”[3] Nagmula sa nauunang panahon ng Simbahan na iginagalang ang gunita ng mga patay at ipinagdarasal sila...upang makakamit nila ang banal na pagmamahal ng Diyos...[4]
Teksto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Wikang Latin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang panalangin sa wikang Latin na ginagamit sa Ritung Romano ng Simbahang Katolika ay:
- ℣. Requiem æternam dona ei (eis), Domine
- ℟. Et lux perpetua luceat ei (eis):
- ℣. Requiescat (-ant) in pace.
- ℟. Amen.
Ingles
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salinwikang Ingles na ginagamit ng mga Katoliko ay:
- ℣. Eternal rest, grant unto him/her (them) O LORD,
- ℟. And let perpetual light shine upon him/her (them).
- ℣. May he/she (they) rest in peace.
- ℟. Amen.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ “Month of Souls in Purgatory”. Catholic Culture Organization. https://www.catholicculture.org/culture/liturgicalyear/overviews/months/11_1.cfm (Ingles)
- ↑ Zimmerman, Carol. “Why do we pray for the dead?” Catholic News Herald. https://catholicnewsherald.com/faith/funeral/204-news/grief-header/1577-why-do-we-pray-for-the-dead (Ingles)
- ↑ 2 Macabeo 12:45 https://www.biblegateway.com/passage/?search=2+Maccabees+12&version=MBBTAG-DC
- ↑ “PART ONE: THE PROFESSION OF FAITH. SECTION TWO I. THE CREEDS. CHAPTER THREE: I BELIEVE IN THE HOLY SPIRIT. Article 12: "I BELIEVE IN LIFE EVERLASTING" III. The Final Purification, or Purgatory” Catechism of the Catholic Church. http://www.vatican.va/archive/ENG0015/_P2N.HTM
[[Kategorya:Mga panalanging Kristiyano]] [[Kategorya:Kristiyanismo]] [[Kategorya:Katolisismo]]