Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Rifleman13/Sandbox

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ito ay isang SANDBOX lamang!

Ang Corregidor ay isang islang nakapuwesto sa bukana ng Look ng Maynila. Dahil sa puwesto nito, nagsilbi ito bilang pangunahing tanggulan para sa sa look at lungsod ng Manila. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dito naganap ang maraming labanan, maging ang pagbasak nito at ng mga kapuluan ng Pilipinas na napasa mga Hapon. Sa kasalukuyang panahon, ito ay isang mahalagang makasaysayang lugar at puntahan ng mga turista. Ito ay pinangagasiwaang ngayon ng Lungsod ng Cavite na sakop rin ito.

Sa panahon ng pamumuno ng Espanya, ang pulo ay nagsilbi bilang kuta at bilangguan. Nagsilbi rin ito bilang senyales para sa Maynila para magbigay dito ng babala sa parating na kalaban na bapor.

Ang Corregidor ay galing sa salitang Espanyol na corregir na may ibig sabihin ay "para matama". May isang kwento na kailangan tumigil ang mga bapor sa pulo upang makita ang mga papeles nito at itama ito. Dahil dito, tinawag na Isla del Corregidor, o ang Pulo ng Pagtatama and pulo. Mayroong pang isang kwento na ang pulo ay ginawang bilangguan ng mga Espanyol at tinawag itong El Corregidor.[1]

Ang pulo ng Corregidor ay natatagpuan 48 na kilometro kanluran ng Maynila. Ito ay may hugis butete at ang buntot nito ay nakaturo pasilangan at ang ulo nito at nakaturo sa Dagat Timog Tsina. Ang pulo ay may sakop na 9 na kilometrong parisukat. Humaharang ang pulo, kasama ang Pulo ng Caballo, sa bukana ng Look ng Maynila at hinahati ito sa dalawa, isang daanang sa hilaga at timog nito. Dahil dito, ito ay may kahalagahan pangmilitar.

Napapalibutan ang Corregidor ng mabatong tanawin, pagbinsagan nito ng ilang Amerikanong sundalo bilang Ang Bato (Ingles:The Rock).

Ang Corregidor ay may haba na 6 na kilometro at 2.4 na kilometro sa pinakamalapad na punto. Ang pulo ay galing sa labi ng bulkan at ayon sa PHIVOLCS, dating pumutok ito noong isang milyong taon at marring ito ay pumutok pa.

Mga Kaalwanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa ulo ng Corregidor, mayroon patag na lugar kung tinatawag na Topside. Dito matatagpuan ang punong himpilan ng kuta, tirahan ng mga sundalo, sangay para sa Philippine Trust Company, sinehan, tirahan para sa mga opisyal, taguan ng munisyon, laruan ng golf na may siyam na butas, palauruan pang-tenis, paliguan, at karamihan sa mga bateriya na bumubuo sa lakas ng Corregidor.

Ang Middleside ay isang talampas nasa gitna ng Bottomside at Topside. Dito nakapuwesto ang 2-palapag na tirahan para sa mga opisyal, tirahan para sa mga sundalo, ospital, tindahan, kapisanan, at dalawang bahay-aralan para sa mga anak ng mga Pilipinong sundalo at ang isa para sa mga Amerikano.

Sa Bottomside ang mababang bahagi ng pulo. Dito ang nag-uugnay sa buntot at ulo ng Corregidor. Sa Timog ng Bottomside ay ang Barrio San Jose na malapit rin sa Navy Beach. Sa hilaga naman ay ang tatlong malalaking pantalan ng Army Dock. Sa silangan ng Bottomside ay ang Lagusang Malinta.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

During the Battle of the Philippines (1941–42), General Douglas MacArthur used Corregidor as Allied headquarters until March 11, 1942. Between December 24, 1941 and February 19, 1942, it was also the temporary location of the Government of the Commonwealth of the Philippines — on December 30, 1941, outside the Malinta Tunnel, President Manuel L. Quezon and Vice-President Sergio Osmeña were inaugurated for a second term. The Voice of Freedom, the radio station of the USAFFE (United States Army Forces in the Far East) broadcast from Corregidor, including the famous announcement of the fall of Bataan. Japanese troops forced a surrender of the remaining American and Filipino forces on Corregidor on May 6 after the Battle of Corregidor.

Habang patuloy ang Labanan sa Pilipinas, ginamit ni Heneral Douglas MacArthur ang Corregidor bilang punong himpilan niya hanggang ika-11 ng Marso 1942. Dito rin munang pasamantalang nilipat ang pamahalaang ng Komonwelt ng Pilipinas. Sa labas ng Lagusang Malinta pinanumpa sa pangalwang termino nila Pangulong Manuel Quezon at Bise-Pangulo Sergio Osmeña.

Sa Kasalukuyan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Brief History. http://www.corregidorisland.com/history.html. Nakuha 12 Disyembre 2008

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Corregidor.org [1]
  • Corregidor Island [2]