Pumunta sa nilalaman

Talinghaga ng Masamang Damo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Talinghaga ng Tare)

Ang Talinghaga ng Masamang Damo o Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan[1] (Ingles: Parable of the Tares o "Talinghaga ng mga Tare"; isahan ang tare, maramihan ang tares) ay isang talinghagang binanggit ni Hesus sa Bagong Tipan ng Bibliya. Matatagpuan ito sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 13:37-43). Batay sa paliwanag ni Jose C. Abriol, makikita sa talinghagang ito ang kadahilanan kung bakit mayroong kasamaan sa mundo. Dahil ito sa mga sumusunod: sa tuksong sanhi ni Satanas; at sa kapahintulutan ng Diyos; ngunit may kaugnayan ding ipinaliwanag ni Abriol na, batay sa talinghagang ito, mayroong "wakas ang kasamaan" o "matatapos din ito pagkaraan ng pagkasubok sa mga tao."[2]

Ayon pa rin kay Abriol, ang "mapanirang damo"[1] o "masamang damo"[3] na tinutukoy sa talinghagang ito ay ang halamang tinatawag na "zizania", na nasa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 13:25). Maaaring isa ang "zizania" sa mga sumusunod na mga halamang ito: ang tare (ryegrass sa Ingles), ang darnel (Lolium temulentum), o ang Vicia sativa (vetch sa Ingles). Maaaring ang darnel ang nilalarawan sa Bibliya sapagkat, ayon sa paglalarawan ni Abriol, kamukha ng trigo ang zizania na mapula ang bulaklak at maitim ang bunga[4], na siyang mga katangian ng L. temulentum.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan, angbiblia.net
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Talinghaga ng Masamang Damo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 37-43, pahina 1452.
  3. Abriol, Jose C. (2000). "Masamang damo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 25, pahina 1451.
  4. Abriol, Jose C. (2000). "Masamang damo, zizania". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 25, pahina 1451.

Bibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.