Talon ng Pagsanjan
Pagsanjan Falls | |
---|---|
Lokasyon | Laguna, Pilipinas |
Mga koordinado | 14°15′45.32″N 121°29′59.86″E / 14.2625889°N 121.4999611°E |
Uri | Pasisid (pasukbo) |
Bilang ng mga patak | 2 (nakatago ang isa) |
Pinakamataas na patak | 120 metro (390 tal) |
Kurso ng tubig | Ilog ng Pagsanjan |
Ang Talon ng Pagsanjan, kilala rin bilang Cavinti Falls (katutubong pangalan: Talon ng Magdapio) ay isa sa pinakabantog na mga talon sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Laguna. Isa ito sa pinakapangunahing pang-akit na pangturismo sa rehiyon. Mararating ang talon sa pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng bangka magmula sa munisipalidad ng Pagsanjan.[1][2] Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894.[3] Ang bayan ng Pagsanjan ay nasa daluyan ng dalawang mga ilog, ang Ilog ng Balanac at ang Ilog ng Bumbungan (na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan).[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Peters, Jens (2005). "Philippines Travel Guide, 2nd edition", p. 255-256. Jens Peters Publications, Alemanya.
- ↑ De Villa, Jill Gale (1988). "Philippine Vacations and Explorations", p.59. Devcon I.P. Inc., Manila.
- ↑ Zaide, Gregorio F. (1975). "First Written Account of a trip to Pagsanjan Falls" Naka-arkibo 2012-02-04 sa Wayback Machine.. Pagsanjan.org. Nakuha noong 2012-04-08.
- ↑ "Pagsanjan Falls map". Flickr. Nakuha noong 2012-04-08.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.