Dumuzid
Dumuzid | |
---|---|
Diyos ng mga pastol | |
Tirahan | Kalangitan (para sa kalahating taon) Kur (para sa natitirang kalahati) |
Konsorte (Asawa) | Inanna (kinalaunang kinilala bilang Ishtar) |
Mga magulang | Sirtur at isang di-kilalang ama |
Mga kapatid | Geshtinanna (kapatid na babae), Amashilama (hindi kadalasan, ngunit sa ibang mga teksto ay nasasabing kanyang kapatid na babae) |
Si Dumuzid,[a] kinalaunang kinilala sa haliling anyo na Tammuz,[b] ay ang sinaunang Mesopotamyanong diyos ng mga pastol, na pangunahing asawa din ng diyosang si Inanna (kinalaunang kinilala bilang Ishtar). Sa mitolohiyang Sumeryo, kapatid ni Dumuzid si Geshtinanna, ang diyosa ng mga halaman. Sa Talaan ng mga haring Sumeryo, si Dumuzid ay nakatala bilang isang antedelubyanong hari ng lungsod ng Bad-tibira at ng maagang hari ng lungsod ng Uruk. Sa Sumeryong tula ng Mas Gusto ni Inanna ang Magsasaka, si Dumuzid ay nakipagpunyagi laban sa magsasakang si Enkimdu para sa karapatang pakasalan si Inanna. Sa Paglusong sa Mundong Ilalim ni Inanna, hindi nagtagumpay ipagluksa ni Dumuzid ang kamatayan ni Inanna at, sa kanyang pagbabalik mula sa Mundong Ilalim, pinayagan niya na kaladkarin ng mga demonyong galla si Dumuzid sa Mundong Ilalim bilang kanyang kapalit. Ipinagsisi ni Inanna ang desisyong ito at nagpasya na magpapalipas si Dumuzid ng kalahati ng taon sa Mundong Ilalim, at ang natitirang kalahati kasama niya, while habang ang kapatid na babae ni Dumuzid na si Geshtinanna ay mananatili sa Mundong Ilalim sa puwesto niya, kaya nagreresulta sa ikot ng panahon.
Tinutukoy ni Gilgamesh si Tammuz sa Tableta VI ng Epiko ni Gilgamesh bilang isa sa mga nakaraang kasintahan ni Ishtar, na naging isang ibong allalu na may sirang pakpak. Si Dumuzid ay inugnay sa pagkamayabong at mga pananim at sa mga mainit na tuyong panahon ng tag-init ng Mesopotamya na pinaniwalaanng sanhi ng taunang kamatayan ni Dumuzid. Sa panahon ng buwan sa kalagitnaan ng tag-araw nagdadala ng kanyang pangalan, ang mga tao sa buong Mesopotamia ay ritwal na nagdadalamhati para sa kanya.
Si Tammuz ay binanggit sa Aklat ni Ezekiel 8:14–15 at may alusyon sa Aklat ni Daniel 11:37, "Wala siyang(Antiochus IV Epiphanes) interes sa mga diyos ng kanyang mga ninuno ni sa diyos na ginugusto ng mga babae..."
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lung 2014.
- ↑ "The Electronic Text Corpus of Sumerian Literature". etcsl.orinst.ox.ac.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-08. Nakuha noong 2017-08-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mitchell 2005, p. 169.
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ackerman, Susan (2006) [1989], Day, Peggy Lynne (pat.), Gender and Difference in Ancient Israel, Minneapolis, Minnesota: Fortress Press, ISBN 978-0-8006-2393-7
{{citation}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Ataç, Mehmet-Ali (2018), Art and Immortality in the Ancient Near East, Cambridge, England: Cambridge University Press, ISBN 978-1-107-15495-7
{{citation}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Baring, Anne; Cashford, Jules (1991), The Myth of the Goddess: Evolution of an Image, London, England: Penguin Books, ISBN 978-0140192926
{{citation}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)