Pumunta sa nilalaman

Taoismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Taoism)

Ang Taoismo o Daoismo, mula sa Mandarin na Dàojiào 道教 na binibigkas nang tungkol sa tunog na ito dào  tungkol sa tunog na ito jiào , Hokkien (POJ) na Tō-kàu, Kantones (Jyutping) na Dou6gaau3, ay tumutukoy sa iba-ibang magkakaugnay na pangpilosopiya at pangrelihiyon nang higit nang mga dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran.[1] Nangangahulugan ang salitang 道, Tào (o Dào sa makabagong romanisasyon ng Mandarin), bilang "landas" o "daan," bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hoyas ng Dào: kompasyon, prugalidad, at umildad. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos (天人相应), kalusugan, mahabang buhay, wúwéi (aksiyon sa pamamagitan ng walang aksiyon—o gumagawa nang di gumagawa), kalayaan, kawalang-kamatayan at pagkakusang-loob.

Simbolo ng interaksiyon ng yīn (阴) at yáng (阳) sa Daoismo

Ang Pangalang Taoismo ay nagmula sa dào, salitang Tsino na ang ibig sabihin “ang daan." Naniniwala ang Taoista na pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang dào ay dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta ng hindi pagsunod sa paraan ng kalikasan. Ang dào ay maihahalintulad sa “isang bagay na walang hugis at porma." Ang mga karagatan at ilog ay kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang dào dahil mapagkumbaba ito. Ang dào rin ang nagbibigay ng puwersa sa lahat ng nilalang.

Simplisidad ang tema ng Taoismo. Ang Taoista ay dapat maging parang simpleng pirasong kahoy. Malimit itong kahoy ay metapora sa Taoismo. Dapat yumuko nang parang hinahanginang talahib. Huwag dapat pilitin ang di paraan ng kalikasan.

Arteng Taoista: palakang may tatlong binti

Ang mga limang elemento ay tubig, apoy, kahoy, bakal, at lupa. Ang mga nagkokorespond na kulay ay itim-asul, pula, berde-asul, puti, at dilaw. Importante ito sa alkimiya ng Intsik.

Ang "pagbalikbalik" ay importante sa Taoismo. Ang meditasyon ay may pinagbabalikan. Ang isip o katawan man ay bumabalik sa "pinanggalingan." Ang kalikasan ay "konstante." Kung di alam ang konstante ay katastrope ang magkakaroon.

Ang paniwala ng mga Taoista ay maraming kaluluwa ang nasa loob ng katawan. May konseptong yin at yang. Ang yin (Tsinong pinapayak: ; Tsinong tradisyonal: ; pinyin: yīn) ay maitim at makababae, habang ang yang (Tsinong pinapayak: ; Tsinong tradisyonal: ; pinyin: yáng) ay maputi at makalalaki. Sa konsepsiyon ng tao, nagkakaroon ng pitong yin na kaluluwa na sasamahan ng tatlong yang na kaluluwa sa pag-anakan. May eskuwela ng Taoismo na naniniwalang may mga 36 000 kaluluwang diyos sa bawat katawan ng tao at ang mga ito ay mikrokosmo na nagrereplek sa makrokosmo.[2] May mga anitong mabait at mga may anitong demonyo. Ang (o Tsi na tinatagalog) ay buhay-enerhiya o "hinga."

Ang Taoismo ay isang klaseng Animismo, katulad ng Shinto ng Hapon. Ang Taoismo ay isang klaseng Panteismo rin.

Ang pinakaimportanteng eskritura sa Taoismo ay ang Dàodéjīng (道德經). Enigmatiko ang orihen nitong libro, pero sinulat daw ni Lǎozǐ (老子)—ang Matandang Bata. Isinalin ang mga 81 kabanata nito sa maraming-maraming wika sa mundo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Miller, James. Daoism: A Short Introduction (Oxford: Oneworld Publications, 2003), p. ix.
  2. Fischer-Schreiber, Ingrid. The Shambala Dictionary of Taoism (Boston: Shambala Publications, Inc., 1996), p. 70.

Relihiyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.