Tarahumara
Ang mga Rarámuri o Tarahumara ay isang Katutubong Amerikanong mga tao ng hilaga-kanlurang Mehiko na nakikilala dahil sa kanilang kakayahan sa pagtakbo ng malayuan.[1][2] Sa kanilang wika, ang katagang rarámuri ay tumutukoy sa kalalakihan, habang ang kababaihan ay tinutukoy bilang mukí (kung isang indibiduwal) at bilang omugí o igómale (kung isang kalipunan).
Orihinal silang malawakang nananahanan sa estado ng Chihuahua, lumikas ang Rarámuri papunta sa matataas na kabundukan at mga kanyong katulad ng Sabak ng Tanso sa Sierra Madre Occidental nang dumating ang mga Kastilang eksplorador noong ika-16 daantaon. Ang pook ng Sierra Madre Occidental na kasalukuyan nilang pinaninirahanan ay kadalasang tinatawag na Sierra Tarahumara dahil sa pagiging naroroon nila.
Sa kasalukuyang pagtataya, ang populasyon ng Rarámuri noong 2006 ay nasa pagitan ng 50,000 at 70,000 katao. Karamihan sa kanila ang nagsasagawa pa rin ng isang tradisyunal na estilo ng pamumuhay, naninirahan sa likas na mga silungang katulad ng mga yungib o yungyungan ng talampas, pati na sa maliliit na mga kabinang yari sa kahoy o bato. Ang pangunahing nilang mga pananim ay ang mais at mga uri ng munggo; subalit, marami sa mga Rarámuri ang nagsasagawa pa rin ng transhumansa, pag-aalaga ng mga baka, mga tupa, at mga kambing. Halos lahat ng mga Rarámuri nangingibang-pook o nagpapalipat-lipat sa loob ng isang tao.
Ang wikang Tarahumara ay kabilang sa pamilyang Uto-Aztecan. Bagaman ito ay nanghihina dahil sa paggamit ng Kastila, marami pa ring nagsasalita nito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ USA (2002-10-17). "Tarahumara People — National Geographic Magazine". Ngm.nationalgeographic.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-16. Nakuha noong 2011-09-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Irigoyen and Palma. Rarajípari, the Tarahumara Indian Kick-ball Race. La Prensa. Chihuahua 1995.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Mehiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.