Pumunta sa nilalaman

Tarpon (Megalopidae)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Huwag ikalito sa Tarpan.

Tarpon
Temporal na saklaw: Huling Mioseno hanggang Kasalukuyan[1]
Tarpon ng Atlantiko
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Megalopidae
Sari:
Megalops

Valenciennes, 1847
Mga uri

Megalops atlanticus
Megalops cyprinoides

Ang tarpon ay ang mga isdang nag-iisang mga kasapi ng pamilyang Megalopidae at ng saring Megalops. May dalawang mga uri ng tarpon, isang katutubo sa Atlantiko, at ang isa pang matatagpuan sa mga karagatang Indo-Pasipiko.

Malalaking mga isda ang tarpon na lumalangoy malapit sa mga dalampasigan. Lumalaki sila hanggang sa 8 mga talampakan ang haba. Mayroon silang malalaking mga ulo, na balingkinitang isdang may kulay pilak na tagilirang may malalaking mga kaliskis.

Ninanais ng ang mga tarpon ng mga mamimingwit o mga mamamansing dahil sa kanilang paglabang matalon at pagyugyog na ulo. Subalit maliit ang kanilang halaga bilang pagkain at karaniwang pinakakawalang hindi napipinsala.

Kapag lumalangos sa mga katubigang kaunti ang oksiheno, nakahihinga ang mga tarpo ng hangin mula sa ibabaw ng tubig sa pamamagitan ng kanilang pantog na panlangoy na nagsisilbi bilang primitibong baga. Mayroon silang mga larbang leptosepalikong katulad ng sa mga igat, na lumulutang sa ibabaw ng mga katubigan bagong maging mga isdang nasa hustong gulan, isang panahon kung kailan lumilipat sila patungo sa mga tubig na nasa mga lupain, kung saan tumatanda sila bago muling magbalik sa karagatan.[2]

Nagmula ang pangalan ng sari mula sa Griyegong pang-uring μεγάλος - megalos o "malaki", at ng pangngalang ὤψ - ops, na may ibig sabihing "mukha", na nagiging "malaking mukha" kapag binuo ang parirala.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sepkoski, Jack (2002). "A compendium of fossil marine animal genera". Bulletins of American Paleontology. 364: p.560. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-10. Nakuha noong 2008-01-08. {{cite journal}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. McCosker, John F. (1998). Paxton, J.R. & Eschmeyer, W.N. (pat.). Encyclopedia of Fishes. San Diego: Academic Press. p. 85. ISBN 0-12-547665-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mga pagtukoy sa saring Megalops sa The Biodiversity Heritage Library