Technion – Israel Institute of Technology

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Technion – Israel Institute of Technology (Ebreo: הטכניון – מכון טכנולוגי לישראלHa-Tekhniyon — Makhon Tekhnologi le-Yisrael) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Haifa, Israel. Itinatag noong 1912 sa ilalim ng Imperyong Otomano higit sa 35 taon bago ang pagkakatatag ng Estado ng Israel, ang Technion ay ang pinakamatandang unibersidad sa bansa.[1] Ang unibersidad nag-aalok ng digri sa agham at inhinyeriya, at mga kaugnay na erya tulad ng arkitektura, pangagamot, pamamahalang industriyal at edukasyon. Ito ay may 19 akademikong kagawaran, 60 sentro ng pananaliksik at 12 kaakibat na ospital.[2] Mula nang maitatag ito, ito ay naggawad ng higit sa 100,000 digri[3] at ang mga nagtapos dito ay naghatid ng mga kasanayan at edukasyon na importante sa paglikha at proteksyon ng Estado ng Israel.[4][5]

Ang pangunahing wika ng pagtuturo sa unibersidad ay Ebreo. Ang pagpili ng wika ng pagtuturo dito ay naging paksa ng isang pambansang debate bago ang pagiging estado ng Israel na naging isang mahalagang milyahe sa pagpapatatag ng Ebreo bilang ang sinasalitang wika sa Estado.[6]

Kabilang sa kaguruan ng Technion ang tatlong Nobel Laureates sa kimika. Apat ding Nobel Laureates ang may kaugnayan sa unibersidad.

Galeriya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Sveta Reingold. "War of the Languages: Founding of the Technion/Technikum". Hinango noong 25 July 2015. More than one of |author= at |last= specified (tulong); More than one of |accessdate= at |access-date= specified (tulong)
  2. http://int.technion.ac.il/wp-content/uploads/2015/11/Technion-Intl-Brochure-English-2015-16.pdf
  3. 2014–15 Welcoming the New Academic Year, Technion website
  4. Youtube: "Building the Start-up Nation." https://www.youtube.com/watch?v=3RiIYgCC7Gw
  5. Start-Up Nation Book.
  6. Jewish History.