Technion – Israel Institute of Technology
Ang Technion – Israel Institute of Technology (Hebreo: הטכניון – מכון טכנולוגי לישראל Ha-Tekhniyon — Makhon Tekhnologi le-Yisrael) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Haifa, Israel. Itinatag noong 1912 sa ilalim ng Imperyong Otomano higit sa 35 taon bago ang pagkakatatag ng Estado ng Israel, ang Technion ay ang pinakamatandang unibersidad sa bansa.[1] Ang unibersidad nag-aalok ng digri sa agham at inhinyeriya, at mga kaugnay na erya tulad ng arkitektura, pangagamot, pamamahalang industriyal at edukasyon. Ito ay may 19 akademikong kagawaran, 60 sentro ng pananaliksik at 12 kaakibat na ospital.[2] Mula nang maitatag ito, ito ay naggawad ng higit sa 100,000 digri[3] at ang mga nagtapos dito ay naghatid ng mga kasanayan at edukasyon na importante sa paglikha at proteksyon ng Estado ng Israel.[4][5]
Ang pangunahing wika ng pagtuturo sa unibersidad ay Ebreo. Ang pagpili ng wika ng pagtuturo dito ay naging paksa ng isang pambansang debate bago ang pagiging estado ng Israel na naging isang mahalagang milyahe sa pagpapatatag ng Ebreo bilang ang sinasalitang wika sa Estado.[6]
Kabilang sa kaguruan ng Technion ang tatlong Nobel Laureates sa kimika. Apat ding Nobel Laureates ang may kaugnayan sa unibersidad.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Ang kampus sa Mount Carmel, Haifa
-
Aerospace Faculty (Technion)
-
Civil and Environmental Engineering Faculty Technion
-
Computer Science Faculty
-
Faculty of Industrial Engineering & Management
-
Erdős–Faber–Lovász conjecture
-
Technion Faculty of Medicine
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Reingold, Sveta. "War of the Languages: Founding of the Technion/Technikum". Nakuha noong 25 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-01-23. Nakuha noong 2017-05-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2014–15 Welcoming the New Academic Year Naka-arkibo 2018-09-27 sa Wayback Machine., Technion website
- ↑ Youtube: "Building the Start-up Nation." https://www.youtube.com/watch?v=3RiIYgCC7Gw
- ↑ Start-Up Nation Book.
- ↑ Jewish History Naka-arkibo 2016-06-18 sa Wayback Machine..
32°46′39″N 35°01′18″E / 32.7775°N 35.021666666667°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.