Pumunta sa nilalaman

Tel Dan Stele

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tel Dan Stele
Tel Dan Stele, Israel Museum. Highlighted in white: the sequence B Y T D W D.
Paglalarawan
MateryalBasalt
PagsulatOld Aramaic (Phoenician alphabet)
Petsa
Ginawa870–750 BCE
Pagkakatuklas
Natuklasan1993–94
Kasalukuyan
NasaIsrael Museum

Ang Tel Dan Stele ay isang pragmentaryong stele na isinulat sa inskripsiyong Cananeo na pinetsahan ng iba't ibang iskolar mula 870 BCE [1], 796 BCE hanggang 750 BCE.[2] Ito ay nagsasalaysay sa pagpapatay ni Hazael ng Aram kina Jehoram ng Israel at Ahazias ng Juda na mula sa bytdwd(isinalin ng ilan na "bahay ni David"). Ito ay natuklasan noong 1993 sa Tel-Dan ni Gila Cook na kasapai ng pangkat arkeolohikal na pinangunahan ni Avraham Biran.

Salin ni Biran

[baguhin | baguhin ang wikitext]
The Tel Dan Stele: Pragmentong A sa kanan, Fragments B1 at B2 sa kaliwa

1. [          א]מר.ע[   ]וגזר[ ]
2. [     ---].אבי.יסק[.עלוה.בה]תלחמה.בא[ ]
3. וישכב.אבי.יהך.אל[.אבהו]ה.ויעל.מלכי[ יש]
4. ראל.קדם.בארק.אבי[.ו]המלך.הדד[.]א[יתי]
5. אנה.ויהך.הדד.קדמי[.ו]אפק.מן.שבע[ת---]
6. י.מלכי.ואקתל.מל[כן.שב]ען.אסרי.א[לפי.ר]
7. כב.ואלפי.פרש.[קתלת.אית.יהו]רם.בר.[אחאב.]
8. מלך.ישראל.וקתל[ת.אית.אחז]יהו.בר[.יהורם.מל]
9. ך.ביתדוד.ואשם.[אית.קרית.הם.חרבת.ואהפך.א]
10. ית.ארק.הם.ל[ישמן ]
11. אחרן.ולה[... ויהוא.מ]
12. לך.על.יש[ראל... ואשם.]
13. מצר.ע[ל. ]

Romanisado:

  1. [ ʾ]mr.ʿ[ ]wgzr[ ]
  2. [ ---].ʾby.ysq[.ʿlwh.bh]tlḥmh.bʾ[ ]
  3. wyškb.ʾby.yhk.ʾl[.ʾbhw]h.wyʿl.mlky[ yś]
  4. rʾl.qdm.bʾrq.ʾby[.w]hmlk.hdd[.]ʾ[yty]
  5. ʾnh.wyhk.hdd.qdmy[.w]ʾpq.mn.šbʿ[t---]
  6. y.mlky.wʾqtl.ml[kn.šb]ʿn.ʾsry.ʾ[lpy.r]
  7. kb.wʾlpy.prš.[qtlt.ʾyt.yhw]rm.br.[ʾḥʾb.]
  8. mlk.yśrʾl.wqtl[t.ʾyt.ʾḥz]yhw.br[.yhwrm.ml]
  9. k.bytdwd.wʾšm.[ʾyt.qryt.hm.ḥrbt.wʾhpk.ʾ]
  10. yt.ʾrq.hm.l[yšmn ]
  11. ʾḥrn.wlh[... wyhwʾ.m]
  12. lk.ʿl.yś[rʾl... wʾšm.]
  13. mṣr.ʿ[l. ]

Saling 1995 ni Biran:[3]

  1. [ ]...[...] at pinutol [...]
  2. [...] aking ama ay pununta [laban sa kanya nang] lumaban s]iya sa [...]
  3. at ang aking ama ay humimlay, siya ay tumungo sa kanyang [mga ninuno]. At ang hari ng I[s-]
  4. rael ay nakaraang pumasok sa lupain ng aking ama, [at] ginawa akong hari ni Hadad,
  5. At si Hadad ay humarap sa akin [at] ako ay lumisan mula sa pito [...-]
  6. s ng aking kaharian, at aking pinaslang ang [pit]umpung [mga] hari, na gumamit ng li[bolibong kar-]
  7. rro at libo libong mga lalakeng nasa kabayo . [Aking pinatay si Jeho]ram anak na lalake ni [Ahab]
  8. hari ng Israel, at [aking] pinatay si [Ahaz]iahu anak na lalake ni [Jehoram kin-]
  9. ng bahay ni David at aking winasak ang [kanilang mga bayan at ginawa ]
  10. ang kanilang lupain [na nakatiwangwang ]
  11. iba [... at Jehu ru-]
  12. nanguna sa Is[rael at ako ay]
  13. kumubkob sa [ ]

Salin ng bytdwd

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagaman maraming iskolar ay nagsasabing ito ay dapat isalin na "bahay ni David", may ilang tumutuol sa pagbasang ito at sinasabing ang mga paghaghahati ng salita ay ginamit sa buong inskripsiyon at dapat ma kita ang isang hati sa pagitan byt at dwd sa bytdwd. [4] Ayon sa ilang iskolar ang pagsasalin ng dwd bilang David ay komplikado dahil ito ay maaring mangahulugang "tiyuhin" (dōd), "minamahal" o "takure" (dūd).[5][6] Iminungkahi nina Lemche at Athas na ang bytdwd ay maaring isang pangalan ng lugar[7] at isinaad ni Athas na ito ay tumutukoy sa Herusalem kaya ang may akda ay maaaring nag-aangking pumatay sa hari ng Herusalem sah halip na hari mula sa "bahay ni David".[8] Iminungkahi nina R.G. Lehmann at M. Reichelna ang salitang bytdwd ay reperensiya sa pangalan o epithet ng Diyos.[9] Si Yosef Garfinkel ay nangatwirang ang bytdwd ay hindi dapat isaling "bahay ni David" kundi isang na lugar na tinatawag na betdwd na na naayon sa kilalang lugar na Ashdod. Ang ibang mga iskolar ay nagmungkahi ng pagbasang "bahay ng tiyuhin", "bahay ng takure" at "bahay ng minamahal".[10]

Isinaad ng iskolar ng Bibliya na si Francesca Stavrakopoulou na kahit ang inskripsiyon ay tumutukoy sa "bahay ni David", hindi ito nagpapatunay sa pagiging totoong pag-iral ng indibidwal na si David o pag-iral man ng Kaharian ng Juda noong ika-9 siglo BCE.[11]

  1. Mykytiuk
  2. https://www.jstor.org/stable/25066990
  3. Biran & Naveh 1995.
  4. Stavrakopoulou 2004, p. 86: However, though the reference to a "king of Israel" is fairly secure, the rendering of the phrase bytdwd as "House of David" is disputed, not least because it occurs without the expected word dividers, which are employed elsewhere throughout the inscription.; Athas 2003, p. 218: The crux for interpreting the lexeme ... lies in the fact that there is no word divider between the seeming two parts, .... This suggests that the lexeme incorporates only one idea rather than two separate ideas, and is to be understood as a single concept or entity. This is confirmed by the fact that elsewhere in the Tel Dan Inscription, construct expressions are used to denote two or more concepts that are both individually exclusive, yet connected genitivally in the given context.
  5. Pioske 2015, p. 180.
  6. Davies 2014, p. 69: In the Bible DWD can mean 'beloved' or 'uncle', and in one place (1 Samual 2-14), it means 'kettle'.
  7. Lemche 1998, p. 43.
  8. Athas 2003, p. 225: Although we cannot be perfectly certain that FIX was intended as a reference to Jerusalem during a time when the city was called FIX, we can be confident that FIX was indeed a toponym. The flow of the immediately surrounding context makes the proposed interpretation of FIX as a reference to Jerusalem most likely.
  9. Athas 2003, pp. 219–220.
  10. Garfinkel 2011, p. 47.
  11. Stavrakopoulou 2004, pp. 86–87.