Temasek
Ang Temasek (o Temasik) ay sinaunang naitala na pangalan ng pamayanan na nasa puwesto ng modernong Singapore. Lumilitaw ang pangalan sa mga sinunang panitikan ng mga Malay at Habanes, at naitala rin ito sa mga Tsinong dokumento noong mga panahong Yuan at Ming bilang Danmaxi (Tsino: 單馬錫; pinyin: Dānmǎxī; Pe̍h-ōe-jī: Tan-má-sek o Tsino: 淡馬錫; pinyin: Dànmǎxī; Pe̍h-ōe-jī: Tām-má-sek).
Dalawang natatanging pamayanan ang naitala sa Temasek – Long Ya Men at Ban Zu. Ginagamit ang pangalan sa Singapore sa modernong panahon para sa mga pambansang karangalan pati na rin sa mga institusyon at korporasyon.
Pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi matiyak ang pinagmulan ng pangalang Temasek, ngunit iminungkahi na nagmula ito sa salitang tasik sa wikang Malay na may kahulugang "lawa" o "dagat", at maaaring mangahulugan ng "lugar na napapaligiran ng dagat",[1] o Bayang Dagat. Iminungkahi rin na isa itong reperensiya sa isang hari ng Srivijaya, Maharaja Tan ma sa na ho.[2] Lumilitaw bilang Tumasik ang pangalan sa Lumang Habanes na epiko na isinulat sa 1365, Nagarakretagama. Mula ito sa salitang tasik "dagat" na nilagyan ng gitlaping -um-. Nabanggit din nang dalawang beses ang pangalan sa Sejarah Melayu (Kasaysayang Malay), at tinukoy sa Pararaton, isang akdang Habanes. Inilarawan ang Temasek sa salaysay ni Wang Dayuan, isang Tsinong manlalakbay na bumisita sa pulo noong mga 1330 at sumulat tungkol sa isang pamayanang Malay na tinatawag na Danmaxi, isang transkripsiyon ng pangalang Temasek. Sa isang bersiyon ng salaysay ni Marco Polo ukol sa kanyang paglalakbay, nabanggit ang isang lugar na tinatawag na Chiamassie na may kinalaman sa kahariang pulo ng Malayur.[2] Posible na tumutukoy ito sa Temasik. Maaaring nabanggit din ang Temasek sa mga rekord ng Biyetnames katulad ng Sach Ma Tich noong ika-14 na siglo.[3]
Noong nasa ika-14 na siglo, pinalitan ang pangalang Temasek ng Singapura, isang pangalang Malay mula sa Sanskrito na may kahulugang "Lungsod ng Leon". Ayon sa alamat, si Sang Nila Utama ang nagbansag ng pangalang ito noong dumalaw siya sa isla noong 1299 at nakakita ng di-kilalang nilalang, na ipinaalam sa kanya ay isang leon. Bagama't patuloy na ginamit sa mga talaan ng Tsino ang pangalang Temasek nang pagkaraan (halimbawa sa mapang Mao Kun) at nagamit din sa Sejarah Melayu, lumipas ang pangalang Temasek at hindi lumitaw sa mga mapa at dokumento ng mga Europeo mula 1500 hanggang 1800.[4] Muling napasigla ito sa mga kolonyal at mas modernong panahon, at isinusunod sa pangalan nito ang mga institusyon, korporasyon, at pambansang karangalan sa Singapore.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ John N. Miksic (15 Nobyembre 2013). Singapore and the Silk Road of the Sea, 1300–1800 [Singapore at ang Daang Sutla ng Dagat, 1300–1800] (sa wikang Ingles). NUS Press. pp. 183–184. ISBN 978-9971695743.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Singapore Street Names: A Study of Toponymics [Mga Pangalan ng Kalye sa Singapore: Isang Pag-aaral ng Toponimika] (sa wikang Ingles). Marshall Cavendish. 15 Hunyo 2013. p. 381. ISBN 9789814484749.
{{cite book}}
: Unknown parameter|authors=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ John N. Miksic (15 Nobyembre 2013). Singapore and the Silk Road of the Sea, 1300–1800 [Singapore at ang Daang Sutla ng Dagat, 1300–1800] (sa wikang Ingles). NUS Press. pp. 181–182. ISBN 978-9971695743.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Peter Borschberg, pat. (Disyembre 2004). Iberians in the Singapore-Melaka Area and Adjacent Regions (16th to 18th Century) [Mga Ibero sa Lugar ng Singapore-Melaka at Mga Katabing Rehiyon (Ika-16 hanggang Ika-18 Siglo)] (sa wikang Ingles). Harrassowitz. pp. 98–99. ISBN 978-3447051071.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Link sa labas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- A History of the Lion City [Isang Kasaysayan ng Lungsod ng Leon] (sa wikang Ingles) – Kabanata mula sa onlayn na teksbuk.