Pumunta sa nilalaman

Teresita Manaloto-Magnaye

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Teresita Manaloto-Magnaye ay isang Pilipinang manunulat ng maikling kuwento.[1][2] Nimprenta ang mga maikling kuwento sa magasin sa Liwayway, ang pinakalumang magasin sa Pilipinas.

Si Teresita Manaloto-Magnaye ay isinilang sa Capas, Tarlac, ngunit kasalukuyang naninirahan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Sa Tarlac din niya ginugol ang panahon ng kanyang kabataan, at nag-aral ng kursong secretarial. Ngunit ang pagsusulat, aniya, ay isang sining na nananalaytay sa kanyang mga ugat mula pa sa kanyang pagsilang. Katunayan, ang unang akda ay isang dramang pampaaralan nang siya'y nasa grade school pa lamang. Sumunod ay mga akdang pangkomiks na sinundan ng nga kuwentong prosa, mga lathalain, tula, at nobela na nalathala sa iba't ibang babasahing pambansa.

Nagkamit ng ikatlong gantimpala ang kanyang Si Turo bilang pinakamahusay na kuwento ng taon. Nagkamit ng karangalan ang kanyang nobelang Sa Timbangan ng Katarungan sa patimpalak na inilunsad ng magasing Liwayway. Ang kanyang kuwentong Pilat sa Pisngi ay naging bahagi ng aklat na Panitikan ng Lahi para sa paaralang sekundarya. Sa marami nang taong karanasan sa pagsusulat, ibinibilang siya na isa sa mga batikang manunulat ng nabanggit na magasin sa itaas.

Sa kasalukuyan, bukod sa pagsusulat at pagiging ina ng tahanan, ang pangangaral at pagtuturo ng Biblia ang kanyang pinagkakaabalahan.

Mga maikling kuwentong naisulat

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Isang Gabi sa Ilog
  • Ang Pag-ibig ni Jeremy
  • Tumutubong Halaman
  • Salamat sa Pag-ibig Mo

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Pira-pirasong Dula ni Teresita Manaloto-Magnaye". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-23. Nakuha noong 2022-01-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Walong Kuwento ng Pag-Ibig ni Teresita Manaloto-Magnaye". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-23. Nakuha noong 2022-01-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)