Pumunta sa nilalaman

Tetrapoda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mga tetrapoda
Temporal na saklaw: Gitnang Deboniyano - Kamakailan, 395–0 Ma
Mga kinatawan ng apat na klase ng umiiral na mga tetrapodad (direksiyon ng orasan mula itaas na kaliwa), Rana (isang ampibyan), Opisthocomus (isang ibon), Eumeces (isang reptilya), at Mus (isang mamalya)
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Subpilo: Vertebrata
Infrapilo: Gnathostomata
Klado: Eugnathostomata
Klado: Teleostomi
Superklase: Tetrapoda
Broili, 1913
Subgroups

and see text

Ang superklaseng tetrapoda (Sinaunang Griyego τετραπόδηs tetrapodēs, "may apat na paa"), o in semi-anglisadong anyo na tetrapods ay bumubuo ng lahat ng mga inapo(descendants) ng unang may apat na biyas(limb) na mga bertebrata na lumitaw mula sa mga kapaligirang akwatiko upang i-kolonisa ang lupain. Ang pangkat na ito ay kinabibilangan ng mga nabubuhay at ekstintong mga ampibyan, mga reptilya, mga ibon at mga mamalya. May kaunting ebidensiya na ang anumang mga pinaka-unang tetrapoda ay nakagagalaw sa lupain dahil ang kanilang mga biyas ay hindi makahahawak sa mga gitnangseksiyon ng mga ito papalayo sa lupain at ang mga mga alam na mga bakas ng daan ay hindi nagpapakitang kinaladkad ng mga ito ang mga tiyan nito sa iba't ibang mga lugar. Ipinagpapalagay na ang mga bakas na ito ay ginawa ng mga hayop na naglalakad sa ilalim sa mababaw na tubig.[1] Ang mga ampibyan ngayon ay nananatiling semi-akwatiko na namumuhay ng unang yugto ng kanilang buhay bilang tulad ng isdang mga butete. Ang ilang mga pangkat ng mga tetrapoda gaya ng mga ahas at cetacean ay nawalan ng ilan o lahat ng mga biyas. Marami sa mga tetrapod ay nagbalik na semi-akwatiko o sa kaso ng mga cetacean ay buong mga pamumuhay na akwatiko. Ang mga tetrapod ay nag-ebolb mula sa mga mga isdang may lobong palikpik mga 395 milyong taon ang nakakalipas sa panahong Deboniyano.[2] Ang mga spesipikong mga akwatikong ninuno ng mga tetrapod at ang proseso na ang kolonisasyon ng lupain ay nangyari ay nanatiling hindi maliwanag at mga sakop ng aktibong pananaliksik at debate sa mga paleontologo sa kasalukuyan. Mayroon din debate kung paanong angkop na uriin ang mga pangkat sa loob ng mga tetrapoda. Ang tradisyonal na klasipikasyong biolohikal ay nagsasama ng mga linya ng liping henetiko na may mga yugto ng ebolusyon. Sa pakikitungong ito halimbawa, ang lahat ng sinaunang tetrapoda ay mga ampibyan dahil ang mga ito ay tulad ng ampibyan sa lebel ng mga ito ng ebolusyon. Tulad ng mga ibon na nag-ebolb mula sa mga dinosauro ay inilalarawan bilang isang hiwalay na pangkat mula dito dahil ang mga ito ay kumakatawan ng isang natatanging bagong uri ng anyong pisikal at katungkulan. Gayunpaman, sa mga kamakailang dekada, ang striktong kladista ay tumaas na nangatwiran na ang tanging balidong sistema ng klasipikasyon ay tanging sa pamamagitan ng linya ng lipi. Sa pakikitungong halimbawa, ang mga sinaunang tetrapod sa kabilang ng buong mukha at gumampang tulad ng mga ampibyan ay naghati na sa maraming mga pangkat. May ilang mga tagong linya na agad na naging ekstinto gayundin ang mga nanguna sa mga hinaharap na tunay na mga ampibyano at proto-reptilya. Gayundin, ang mga dinosauro at ibon ay hindi mga pangkat na magkasalungat sa bawat isa kundi bagkus ay ang mga ibon ay isang pang-ilalim na uri ng mga dinosauro.

Sa espesiasyonng bertebrata sa panahong Huling Deboniyano, ang mga inapo ng pelahikong isdang may lobong palikpik tulad ng Eusthenopteron ay nagpakita ng isang sunod sunod na mga pag-aangkop:
Panderichthys na umangkop sa mga mababaw na maputik na lugar
Tiktaalik na may tulad ng biyas na mga palikpik na maaaring magdala nito sa lupain;
•Maagang mga tetrapod sa puno ng ligaw na damong mga bana gaya ng
 •Acanthostega na may mga paang may walong daliri
 •Ichthyostega na may mga biyas.
Ang mga inapo ay kinabibilangan rin ng pelahikong isdang may lobong palikpik gaya ng espesyeng coelacanth.

Ang ebolusyon ng unang mga tetrapoda ay nagmarka ng panahon nang ang dalawang mga basikong anyo ng bertebrata na mga isda at tetrapoda ay nag-diberhensiya.[3][4] Ang transisyong ito mula isang planong katawan para sa paghinga at paglalayag sa tubig at isang planong katawan na pumapayag sa hayop na makalipat sa lupain ay kinasasangkutan ng isang sunod sunod na mga pangyayari na nangyari sa buong halos ng 56.8 nilyong mga taon na bumubuo sa panahong Deboniyano.[5] Bagaman ito ang isa sa alam na pinaka-malalim na mga pagbabagong ebolusyonaryo, ito ay isa rin sa pinakamahusay na nauunawaan dahil sa isang bilang ng kahanga hangang mga fossil na natagpuan sa huli nang ika-20 siglo na sinamahan ng napabuting analisis na pilohenetiko.[6]

"Panahon ng mga Isda"

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga isda ng panahong Deboniyano kabilang ang sinaunang pating na Cladoselache, Eusthenopteron at iba pang mga isdang may lobong palikpik at ang plakodermang Bothriolepis, 1905.

Ang panahong Deboniyano ay tradisyonal na alam bilang ang "Panahon ng mga Isda" na nagmamarka sa dibersipikasyon ng maraming mga ekstinto at modernong pangunahing mga pangkat ng isda.[7] Kabilang sa mga ito ang mga sinaunang mabutong isda na nagdibersipika at kumalat sa mga kapaligirang sariwa at maalat sa simula nang panahong ito. Ang mga sinaunang uri ay tulad ng mga ninunong Chondrichthyes sa maraming mga aspeto ng anatomiya nito kabilang ang tulad ng pating na buntot-palipik, spiral gut, malaking mga palikpik na pektoral na pinatigas sa harap ng mga elementong pang kalansay at isang malaking hindi ossipadong kalansay na aksiyal.[8] Gayunpaman, ang mga ito ay may ilang mga katangian na naghihiwalay ng mga ito mula sa mga kartilahinosong mga isda. Ang mga katangiang ito na naging mahala sa ebolusyon ng mga anyong pang-lupain. Maliban sa isang pares ng mga spirakulo, ang mga hasang ay hindi nagbukas ng isa sa labas tulad ng mga patin. Bagkus ang mga ito ay tago sa likod ng isang mabutong operkulum. Ang kahong hasang ay nakatali ng likod sa isang matibay na butong cleithrum na gumagana rin bilang pagpapatatag para sa mga palikpik na pektoral. Bilang bahagi ng kabuuang armor ng rhomboid na mga kaliskis na kosmoid, ang bungo ay isang buong takip ng butong dermal na bumubuo ng bubong ng bungo kesa sa tulad ng pating na panloob na bungong na kartilahinoso. Ang mga ito ay mayroon ring isang pantog na panlangoy/baga na isang katangiang wala sa lahat ng ibang mga isda.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Clack, Jennifer A. (1997). "Devonian tetrapod trackways and trackmakers; a review of the fossils and footprints". Palaeogeography, Palaeoclimatology, Palaeoecology 130 (1997) 227 250. 130: 227–250.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Clack, J.A. (2002). Gaining ground: the origin and evolution of tetrapods. Bloomington, Indiana, USA.: Indiana University Press. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Long JA, Gordon MS (2004). "The greatest step in vertebrate history: a paleobiological review of the fish-tetrapod transition". Physiol. Biochem. Zool. 77 (5): 700–19. doi:10.1086/425183. PMID 15547790.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) as PDF
  4. Benton 2005, pp. 76–80
  5. Zimmer, C. (1999). At the Water's Edge : Fish with Fingers, Whales with Legs, and How Life Came Ashore but Then Went Back to Sea. Free Press. ISBN 0-684-85623-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Shubin, N. (2008). Your Inner Fish: A Journey Into the 3.5-Billion-Year History of the Human Body. New York: Pantheon Books. ISBN 978-0-375-42447-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Wells, H.G. (1922): A Short History of the World, chapter IV: The Age of Fishes fra Bartelby.com
  8. Colbert, Edwin H. (1969). Evolution of the Vertebrates (ika-2nd (na) edisyon). John Wiley & Sons. pp. 49–53.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Benton 2005, pp. 64–9