The Electric Company
The Electric Company | |
---|---|
Pinangungunahan ni/nina | Morgan Freeman |
Bansang pinagmulan | Estados Unidos ng Amerika |
Bilang ng season | 6 |
Bilang ng kabanata | 780 |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | PBS |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 25 Oktubre 1971 15 Abril 1977 | –
Ang The Electric Company ay isang Amerikanong pang-edukasyong mga serye ng palabas na pambata sa telebisyon na nilikha ng is an educational American children's television series that was produced by the Sesame Workshop (dating kilala bilang Children's Television Workshop; CTW) para sa Public Broadcasting Service (PBS) sa Estados Unidos. Nagbrodkast ang PBS ng 780 mga episodo sa kahabaan ng anim nitong mga panahon mula 25 Oktubre 1971 hanggang 15 Abril 1977. Pagkaraan magwakas ang produksiyon nito noong 1977, nagpatuloy ng mga pag-uulit ng mga palabas ang programa mula 1977 hanggang 1985. Isinagawa ng CTW ang produksiyon ng palabas sa Pangalawang Entablado ng Reeves Teletape sa Manhattan, Bagong York.
Gumamit ang The Electric Company ng maiigsing mga eksenang pangdulang nakakatawa at iba pang mga kaparaanan upang makapagbigay ng nakakaaliw na programang makakatulong sa kasanayan sa pagbasa ng mga batang nasa paaralang elementarya. Iniukol ang palabas na ito para sa mga kabataan nagtapos na mula sa panonood ng pangunahing programa ng CTW na Sesame Street. May kaangkupang mas pangmay-edad na mga bata ang katatawanang ginamit sa palabas kung ihahambing sa Sesame Street.
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa orihinal na mga tauhan ng palabas na ito sina Morgan Freeman[1], Rita Moreno, Bill Cosby, Judy Graubart, Lee Chamberlin, at Skip Hinnant.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Morgan Freeman" Naka-arkibo 2008-12-21 sa Wayback Machine., The Electric Company at Sesame Street, 8. The chapter pages, martiallawbabies.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.