Pumunta sa nilalaman

The Galeón

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The Galeón
Ang ginagawang lungaw ng The Galeón, Hunyo 2016.
UriMuseong maritimo
KuradorMarian Roces[1]
Sityothegaleon.ph
Mga detalye ng gusali
Map
Pangkalahatang impormasyon
KatayuanNaghihintay
UriLungaw
KinaroroonanBay City, Pasay
PahatiranSeaside Boulevard corner Sunset Avenue
SinimulanNobyembre 2014
Tinatayang pagkatapos2017 (delayed)
BinuksanAgosto 8, 2017
(soft opening)
Halaga₱250 million
Mga dimensiyon
Iba pang mga dimensiyon65 m × 60 m (213 tal × 197 tal)
Teknikal na mga detalye
Bilang ng palapag3
Bakuran5,000 m2 (54,000 pi kuw)

Ang The Galeón: Manila–Acapulco Galleon Museum ay isang museong maritimo na ipinapatayo sa looban ng lupain ng SM Mall of Asia sa Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang museo ay itatampok ang Kalalkalang Galeon ng Maynila–Acapulco at ipamamahayan sa loob nito ang isang replica ng isang Galleon na kasing-laki sa mga ginagamit sa makaysaysayang kalakalan.

Ang mga pagsisikap sa pagtatayo ng isang museong galleon ay nagsimula noong pang 2010 kung saan nagsaayos ng isang tanggapang diplomatiko si Alberto Romulo, kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas na pinagdaluyan ng mga organized a diplomatic reception attended by embahador mula sa 32 bansa na may ugnayan sa makasaysayang Kalakalang Galleon. Sa pagpupulong, pinagusapan ang pagpapatayo ng isang museo.[2]

Si Edgardo Angara, isang senador sa panahon na iyon, ay tumungo sa Lungsod ng Mehiko at nikipagkita sa mga pinuno ng mga institusyon na may kaugnayan para humingi ng suporta sa pagpapatayo ng isang museong galleon. Lumapit siya sa Pambansang Arkibo ng Mehiko, Colegio de Mexico, Universidad Nacional Autónoma de México at Universidad Autónoma de San Luis Potosí para pagusapan ang isang pakikipagtulungang pananaliksisk kasama ng mga Pilipinong unibersidad at akademiko.

Ang Grupo Carso ni Carlos Slim Helú, FEMSA, at Cemex, mga Mehikanong kompanya kasama ang pamahalaan ng estado ng Guerrero ay nagpahayag na susuportahan nila ang proyekto para sa museong galleon. Nagpahayag din ng suporta sa plano ang mga Mehikanong personalidad at politiko tulad nila Margarita Zavala, Unang Ginang ng Pangulong Felipe Calderon, mga Senador na sila Teofilo Torres Corzo at Humberto Mayans at ng mga Mehikanong akademiko at pahayagan.[2]

Humingi ng government seed funding ang mga ahensyang kultural na naka-base sa Pilipinas sa pamahalaan ng Pilipinas habang sumasagawa ng isang pampublikong fundraising. Nagbigay ng utos pampanguluhan si Benigno Aquino III para magbigay ng tulong pinansyal. Hindi nagkasatuparan ang utos. Si Henry Sy, Pangulo ng SM Prime Holdings ay nagbigay ng alok para ipatayo ang museo at nagbigay ng isang lote sa looban ng SM Mall of Asia para dito.[2]

Itinatag ang Museo de Galleon Foundation para sa proyekto.[2] Sa kalagitnaan ng 2015, nakipagkita si Sy sa bilyonaryong Mehikano na si Carlos Slim kung saan pumayag ang nahuling nabanggit na magbigay ng mga artepakto sa SM Group para sa museo.[3][4]

Konstruksiyon at arkitektura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinatayang mga ₱250 milyon ang ginastos ng SM Group para sa pagpapatayo ng museo.[3][4] Nagsimula ang konstruksiyon noong Nobyembre 2014 at unang binalak na matapos sa huling bahagi ng 2015.[5] Pinalitan ang balak para sa pagtatapos ng konstruksiyon ng museo at binalak na buksan sa ikalawang kuwarter ng 2016,[6] ngunit ang araw ng pagbubukas ay ginalaw papunta sa ikatlong kuwarter sa parehas na taon.[7] Isang kompanyang pang-arkitekto na nakabase sa Mehiko, kasama ang mga arkitektong nakabase sa Hong Kong at Florida sa Estados Unidos ay kasangkot sa proyekto.[8]

Ipinatatayo ang museo sa isang lote na may sukat na 5,000 square metre (54,000 pi kuw) na ibinigay ng SM Group. Magkakaroon ang museo ng tatlong palapag at magkakaroon ng sukat na 65 x 60 metro.[1]

Magkakaroon ang museo ng 8,000 square metre (86,000 pi kuw) na espasyo para sa eksibisyon at itatampok ang isang replica ng Galleon sa loob ng museo [6] na may haba ng 50 metro (160 tal).[8] Ang eksibit ay magkakaroon ng presentasyong linear na may kronolohikal na pagaayos. Pamamahayan ng museo ang limang permanenteng galerya at isang pansamantalang espasyo para sa eksibisyon. Ilan sa mga eksibit na ilalagay sa museo ay ang mga relihiyosong imahe, instrumento para sa paglalayag at mga kalakal mula sa 42 na bansa na kasangkot sa kalakal ng mga galleon.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Llemit, Kathleen (Enero 21, 2015). "Galleon museum set to open this year at SM MoA". The Daily Tribune. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2015. Nakuha noong Enero 21, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Angara, Edgardo (Oktubre 18, 2014). "A Galleon Museum in Manila". Manila Bulletin. Nakuha noong Enero 21, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Miraflor, Doris (Hulyo 12, 2014). "SM Group builds first galleon museum". Manila Bulletin. Nakuha noong Enero 21, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Dumlao-Abadilla, Madelaine (Hulyo 12, 2015). "Biz Buzz: Sy, Mexico's Slim eye galleon project". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Enero 21, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Bayaton-Obispo, Edlen Vanezza (Nobyembre 11, 2014). "The Galeón: a New Museum to rise in Manila". MoneySense. Nakuha noong Enero 21, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Gonzales, Iris (Enero 21, 2016). "SM to open first museum at MOA". The Philippine Star. Nakuha noong Enero 21, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "SM Mall of Asia to build museum". Inside Retail Asia. 14 Marso 2016. Nakuha noong Abril 14, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Yuson, Alfred (Disyembre 15, 2014). "Of museums, new & upcoming". The Philippine Star. Nakuha noong Enero 21, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)