The Pentagon
The Pentagon | |
---|---|
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Natapos |
Estilong arkitektural | Classical revival |
Kinaroroonan | Arlington County, Virginia |
Pahatiran | 1400 Defense Pentagon, Washington, DC 20301-1400 |
Mga koordinado | 38°52′16″N 77°03′22″W / 38.871°N 77.056°W |
Sinimulan | Setyembre 11, 1941 |
Natapos | Enero 15, 1943 |
Halaga | $83 million ($1.41 bilyon sa dolyar ng 2024[1]) |
May-ari | United States Department of Defense |
Taas | |
Bubungan | 77 talampakan 3.5 pulgada (23.559 m) |
Pinakaitaas na palapag | 5 |
Teknikal na mga detalye | |
Bilang ng palapag | 7 |
Lawak ng palapad | 620,00 m² |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | George Bergstrom David J. Witmer |
Pangunahing kontratista | John McShain, Inc. |
Iba pang impormasyon | |
Parking | 67 acres |
Ang The Pentagon ay ang punong-tanggapan ng Kagawaran ng Tanggulan ng Estados Unidos, ito ay matatagpuan sa Arlington County sa Virginia. Bilang simbolo ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos, ang "the Pentagon" ay karaniwang ginagamit upang tukuyin ang Kagawaran ng Tanggulan ng Estados Unidos.
Dinisenyo ng arkitektong si George Bergstrom, at itinayo ng kontratistang si John McShain ang Pentagon. Ginanap ang groundbreaking noong Setyembre 11, 1941, at ihinandog ang gusali noong Enero 15, 1943. Si Heneral Brehon Somervell ang nagbigay ng pangunahing motibo upang maisagawa ang proyekto;[2] at si Koronel Leslie Groves naman ang naging nangasiwa ng proyekto para sa Hukbong Katihan ng Estados Unidos.
Ang Pentagon ay isang malaking gusaling tanggapan na may sukat na 620,00 m², kung saan 340,000 m² ay ginagamit na opisina.[3][4] Humigit-kumulang 23,000 militar at sibilyang empleyado at mga 3,000 di-depensang katulong na tauhan ang nagtratrabaho sa Pentagon. May lima itong gilid, limang palapag sa ibabaw ng lupa, dalawang palapag na basement, at limang paikot na pasilyo sa bawat palapag na may kabuuang habàng 28.2 km.[4] Mayroon din itong 20,000 m² patio sa gitna, na hugis pentagon at impormal na tinatawag na "ground zero", isang palayaw na nagsimula noong Cold War sa hinuhang ito'y gagawing target ng Unyong Sobyet sa pagsiklab ng digmaang nuklear.[5]
Pagatake ng 9/11
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Setyembre 2011, eksaktong 60 taon, matapos simulan ang konstruksiyon ng gusali, na-highjack ang American Airlines Flight 77 at pinalipad sa kanlurang gilid ng gusali, kung saan 189 katao ang nasawi.[6] Ito ang kauna-unahang katala-talang dayuhang pag-atake sa pasilidad ng pamahalaan sa kabisera ng Estados Unidos, mula noong pagsunog ng mga pasilidad ng pamahalaan sa Washington noong Digmaan ng 1812.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Federal Reserve Bank of Minneapolis. "Consumer Price Index (estimate) 1800–". Nakuha noong Enero 2, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Steve Vogel, The Pentagon: a History (2003).
- ↑ "The Pentagon – George Bergstrom – Great Buildings Online". Greatbuildings.com. Nakuha noong Oktubre 26, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 The Pentagon, Facts & Figures Naka-arkibo 2014-08-19 sa Wayback Machine. (hinango Agosto 23, 2014)
- ↑ "Pentagon Hot Dog Stand, Cold War Legend, to be Torn Down". United States Department of Defense. Setyembre 20, 2006. Nakuha noong Mayo 6, 2010.
'It's rumored that a portion of their (Soviet) nuclear arsenal was directed at that building, the Pentagon hot dog stand,' tour guides tell visitors as they pass the stand. 'This is where the building earned the nickname Cafe Ground Zero, the deadliest hot dog stand in the world.'
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pentagon Memorial Dedication". DefenseLink.mil. Nakuha noong Mayo 27, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)