The Powerpuff Girls
| The Powerpuff Girls | |
|---|---|
| Uri | Kartun Aksiyon Sapalaran Komedya |
| Gumawa | Craig McCracken |
| Direktor | Genndy Tartakovsky |
| Boses ni/nina | Cathy Cavadini Tara Strong Elizabeth Daily Tom Kane Tom Kenny |
| Isinalaysay ni/nina | Tom Kenny |
| Kompositor ng tema | James L. Venable |
| Bansang pinagmulan | Estados Unidos |
| Bilang ng season | 6 |
| Bilang ng kabanata | 79 (Talaan ng mga episodyo ng The Powerpuff Girls) |
| Paggawa | |
| Oras ng pagpapalabas | tinatayang 22 mga minuto |
| Pagsasahimpapawid | |
| Himpilan | Cartoon Network (1998-2005) Boomerang (2008-kasalukuyan) |
| Release | Nobyembre 18, 1998 – Marso 25, 2005 ("pilotong labas" sumahimpapawid noong Marso 12, 1995 sa What A Cartoon! Show) |
Ang The Powerpuff Girls ay isang Amerikanong seryeng animasyon na pantelebisyon ng superhero. Nilikha ito ni Craig McCracken. Nakatuon ang palabas kina Blossom, Bubbles, at Buttercup—tatlong batang babae na nasa edad-kindergarten at may mga espesyal na kakayahan. Naninirahan sila sa kathang-isip na lungsod ng Townsville kasama ang kanilang ama at tagalikha, isang siyentipikong nagngangalang Professor Utonium, at madalas silang tinatawag ng alkalde ng lungsod upang tumulong sa paglaban sa mga kriminal at iba pang kaaway sa paligid gamit ang kanilang mga kapangyarihan.
Lumikha si McCracken ng isang maikling pelikula, ang Whoopass Stew!, tungkol sa tatlong batang superhero na kilala bilang Whoopass Girls, na ipinalabas lamang sa mga pagdiriwang. Matapos siyang kunin ng Hanna-Barbera, binago ni McCracken ang pamagat nito sa The Powerpuff Girls at ginawa ang unang kabanata ng serye para sa kanilang serye na What a Cartoon! na ipinalabas sa unang pagkakataon noong 20 Pebrero 1995 sa loob ng yugtong "1st Annual World Premiere Toon-In" ng Space Ghost Coast to Coast.
Unang ipinalabas ang The Powerpuff Girls noong 18 Nobyembre 1998, sa Cartoon Network. Umere ito sa loob ng anim na kabanata, kung saan ipinalabas ang huling episode noong 25 Marso 2005. Bukod sa dalawang pilot episode, isang buong pelikula, at tatlong espesyal na programa, kabuuang 78 yugto ang ginawa. Nakatanggap ito ng mga nominasyon para sa anim na Gantimpalang Emmy siyam na Gantimpalang Annie, at isang Gantimpalang Kids' Choice sa kasagsagan ng pagpapalabas nito.
Kabilang sa iba't-ibang kaugnay na midya ang isang seryeng anime, tatlong tugtugin, iba't-ibang mga larong bidyo, isang seryeng reboot noong 2016, at isang paparating na seryeng repoot, pati na rin ang iba't -ibang lisensyadong produkto. Nakansela ang isang nakaplano sanang seryneng live-action sa telebisyon.
Kaligiran
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga karakter
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umiikot ang palabas sa mga pakikipagsapalaran ng tatlong batang babaeng may edad na lima na nagtataglay ng iba't-ibang kapangyarihan: Blossom (rosas), Bubbles (bughaw), at Buttercup (luntian).[1][2] Gaya ng ipinapakita sa pambungad na bahagi ng bawat yugto, ang Powerpuff Girls ay nilikha ni Professor Utonium sa kaniyang pagtatangkang lumikha ng "perpektong batang babae" gamit ang pinaghalong asukal, pampalasa, at lahat ng kaaya-aya.[3] Gayunpaman, aksidente niyang natapon ang isang misteryosong sangkap na tinatawag na Chemical X sa pinaghalong mga sangkap na lumikha sa tatlong batang babae, at nagbigay sa kanila ng mga kapangyarihan.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lloyd, Robert (11 Nobyembre 1998). "Female Trouble". LA Weekly (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Enero 2023. Nakuha noong 23 Hulyo 2026.
- ↑ Petrozzello, Donna (1 Disyembre 1997). "Cartoon 'toons up for '98; will add eight new series from Warner Bros". Broadcasting & Cable. Bol. 127, blg. 49. Future US. p. 45. Nakuha noong 23 Hulyo 2026 – sa pamamagitan ni/ng Gale.
- 1 2 Lloyd, Robert (22 Nobyembre 2000). "Beyond Good and Evil: To the Utterly Adorable Kicking Superheroics of the Powerpuff Girls!". LA Weekly (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2012. Nakuha noong 23 Hulyo 2026.