Pumunta sa nilalaman

Pamamaslang ng mga Vizconde

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa The Vizconde Massacre)

Naganap ang pamamaslang ng mga Vizconde (Mamamayan ng Pilipinas laban kay Hubert Webb, et al., G.R. No. 176864) noong 30 Hunyo 1991 sa kanilang tirahan sa BF Homes, Lungsod ng Parañaque, Kalakhang Maynila, Pilipinas, kung saan namatay sina Estrellita, Carmela at Jennifer Vizconde.[1] Nakatanggap si Estrellita (edad ay 47) ng labingtatlong (13) saksak; Si Carmela (edad ay 18), labingpitong saksak at ginahasa muna bago pinatay; at si Jennifer (edad ay 7), ay may labingsiyam na saksak.[1] Si Lauro Vizconde, asawa ni Estrellita at ama nina Carmela at Jennifer, ay nasa Estados Unidos noon para sa kanyang trabaho habang naganap ang pamamaslang.

Sa mahabang panahon, hinihinalang si Hubert Webb, anak ni dating Senador Freddie Webb, ang pangunahing suspek sa pamamaslang, na kasama pa ang ilang mga taong bahagi ng mga makaimpluwensiyang pamilya. Noong 15 Nobyembre 1999, hinatol ng Hukuman ng Paghahabol (Court of Appeals) ang habambuhay na pagkakabilanggo sa mga pangunahing suspek. Gayunpaman, ipinawalang-bisa ito ng Kataas-taasang Hukuman noong 14 Disyembre 2010 nang ipinawalang-sala nito ang pito sa siyam na suspek sa kaso, kasama na si Webb.

  1. 1.0 1.1 "Philippine Inquirer The Vizconde Case". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-26. Nakuha noong 2010-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-01-26 sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

PilipinasTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.