Theodotus ng Byzantium

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Theodotus ng Byzantium (Sinaunang Griyego: Θεoδoτoς o Theodotus the Tanner o Theodotus the Shoemaker na yumabong noong huling ika-2 siglo CE ay isang manunulat na Kristiyano mula sa Byzantium. Inangkin ni Theodotus na si Hesus ay ipinanganak bilang isang hindi Diyos na tao na kalaunang "inampon" ng Diyos sa kanyang bautismo at naging Diyos pagkatapos ng kanyang pagkabuhay muli. Ang doktrinang ito ay minsang tinatawag na "dinamikong monarkianismo" o "adopsiyonismo". Ito ay idineklarang erehiya ni Victor na obispo ng Roma na tumiwalag sa kanya.