Toamasina
Toamasina Tamatave | |
---|---|
Mga koordinado: 18°09′S 49°25′E / 18.150°S 49.417°E | |
Bansa | Madagascar |
Rehiyon | Atsinanana |
Lawak | |
• Kabuuan | 20 km2 (8 milya kuwadrado) |
Populasyon (2013) | |
• Kabuuan | 274,667 |
• Kapal | 14,000/km2 (36,000/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC3 (EAT) |
Klima | Af |
Ang Toamasina (Malagasy pronunciation: [toˈmasinə̥]), nagngangahulugang "tulad ng asin" o "maalat", di-opisyal at kilala sa wikang Pranses bilang Tamatave, ay ang kabisera ng rehiyon ng Atsinanana sa silangang baybaying-dagat ng Madagascar sa may Karagatang Indiyano. Ito ang pangunahing pantalang pandagat ng bansa at nasa 215 kilometro (134 milya) hilaga-silangan ng Antananarivo, ang pambansang kabisera. Ayon sa opisyal na pagtataya noong 2013, mayroong 274,667 katao ang Toamasina.[2] Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Toamasina.
Nakadepende ang kahalagahan ng Toamasina sa pag-iral ng isang bahurang korales na bumubuo ng isang malawak na daungan na mapapasukan sa pamamagitan ng dalawang mga puwang. Nakatayo ang sentro ng lungsod sa mabuhanging tangway na naka-usli sa mga anggulong rekto mula sa pangkalahatang baybaying-dagat. Nagsisiksikan dito ang maraming mga kabahayan, at ang mga tindahan at tanggapan ng mga mangangalakal ay nasa pangunahing mga lansangan.
Ang lungsod ay may malawak na mga abenidang nililinyahan ng mga punong palma at ilang mga otel at restoran. Pantawag-pansin ang mga dalampasigan - bagamat ang mga pating at polusyon ay malimit na nagpapahadlang sa paglalangoy at mga palakasan sa tubig. Ang Bazary Be ay isang makulay na pampamilihang karsada na nagdadalubhasa sa eksotikong mga pampalasa at gawang-pampook na mga yaring-kamay. Isa sa pinakapatok na mga lugar sa lungsod ang gitnang pamilihan sa pusod ng lungsod.
Tahanan ang lungsod ng Unibersidad ng Toamasina na bahagi ng pampublikong sistema ng mga pamantasan sa Madagascar at ng Lycée Français de Tamatave na isang Pranses na pandaigdigang paaralan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ng pamumuno ng mga Pranses, ang Toamasina ay luklukan ng ilang banyagang mga konsul, gayon din ng maraming mga Pranses na opisyal. Ito rin ang pangunahing pantalan para sa kabisera at sa looban. Karamihan sa mga ini-aangkat ay mga tela, ma-harinang pagkain, at mga produktong bakal at asero. Ang pangunahing mga iniluluwas ay alabok ng ginto, raffia, mga balat (ng hayop), kawtso (goma) at buhay na mga hayop. Napanatili ang pagpapatalastas sa Europa sa pamamagitan ng mga bapor ng mga kompanyang Messageries Maritimes at Havraise, at pati sa Mauritius, at sa Sri Lanka, sa pamamagitan ng Linyang Union-Castle ng Britaniya. [3]
Noong panahong kolonyal, dahil sa katangian ng lupa at ng dating nagsisiksikang katutubong populasyon, malimit na tinatamaan ng mga epidemya ang bayan: lumitaw ang salot buboniko noong 1898 at naulit ito noong 1900, ngunit gumanda ang sitwasyon mula nang inalis ang tubig sa kalapit na mga latian. Pagkaraan ng 1895, ang inilipat ang katutubong populasyon sa isang bagong nayon sa hilagang-kanluran.[3]
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatampok ng Toamasina ang mahanging sabalás na klimang tropikal na maulang gubat sa ilalim ng Köppen climate classification. Bagamat walang tunay na buwang tagtuyo ang Toamasina kung saang kaunti sa 60 millimetro (2.4 pulgada) ang katamtamang dami ng ulan, ang pantalang pandagat ay may kapansin-pansing mas-basa at mas-tuyong mga panahon ng taon. Pinakatuyong panahon ng taon ang Setyembre–Nobyembre, habang pinakamaulan naman ang Pebrero–Abril. Di-gaanong namamalagi ang katamtamang temperatura sa kahabaan ng buong taon, bagamat bahagyang mas-malamig sa mga buwan ng Hulyo at Agosto, kung kailang nasa 24 °C (75 °F) ang katamtamang pinakamataas na temperatura at mas-mainit sa mga buwan ng Enero at Pebrero, kung kailang nasa 30 °C (86 °F) ang katamtamang pinakamataas na temperatura. Naglalaro ang katamtamang dami ng ulan sa Toamasina sa 3,368.2 millimetro (132.61 pulgada) kada taon.
Datos ng klima para sa Toamasina (1961–1990, extremes 1889–kasalukuyan) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 37.4 (99.3) |
38.6 (101.5) |
36.7 (98.1) |
35.0 (95) |
34.0 (93.2) |
29.6 (85.3) |
31.2 (88.2) |
30.2 (86.4) |
30.6 (87.1) |
33.2 (91.8) |
33.0 (91.4) |
33.6 (92.5) |
38.6 (101.5) |
Katamtamang taas °S (°P) | 30.1 (86.2) |
30.3 (86.5) |
29.5 (85.1) |
28.8 (83.8) |
27.3 (81.1) |
25.6 (78.1) |
24.8 (76.6) |
24.9 (76.8) |
25.8 (78.4) |
26.9 (80.4) |
28.4 (83.1) |
29.4 (84.9) |
27.6 (81.7) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 26.0 (78.8) |
26.1 (79) |
25.5 (77.9) |
24.6 (76.3) |
22.9 (73.2) |
21.1 (70) |
20.4 (68.7) |
20.5 (68.9) |
21.3 (70.3) |
22.7 (72.9) |
24.3 (75.7) |
25.5 (77.9) |
23.4 (74.1) |
Katamtamang baba °S (°P) | 22.5 (72.5) |
22.7 (72.9) |
22.4 (72.3) |
21.4 (70.5) |
19.5 (67.1) |
17.8 (64) |
17.1 (62.8) |
17.0 (62.6) |
17.3 (63.1) |
18.7 (65.7) |
20.4 (68.7) |
21.9 (71.4) |
19.9 (67.8) |
Sukdulang baba °S (°P) | 18.0 (64.4) |
17.5 (63.5) |
17.0 (62.6) |
15.0 (59) |
13.2 (55.8) |
11.0 (51.8) |
11.8 (53.2) |
10.0 (50) |
11.0 (51.8) |
11.0 (51.8) |
13.5 (56.3) |
16.0 (60.8) |
10.0 (50) |
Katamtamang pag-ulan mm (pulgada) | 410.1 (16.146) |
382.1 (15.043) |
478.4 (18.835) |
322.8 (12.709) |
228.3 (8.988) |
259.0 (10.197) |
288.6 (11.362) |
218.2 (8.591) |
121.1 (4.768) |
132.6 (5.22) |
169.7 (6.681) |
357.3 (14.067) |
3,368.2 (132.606) |
Araw ng katamtamang pag-ulan (≥ 1.0 mm) | 19 | 17 | 21 | 18 | 17 | 18 | 22 | 20 | 15 | 13 | 14 | 17 | 211 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 83 | 83 | 85 | 84 | 85 | 85 | 84 | 85 | 83 | 82 | 83 | 84 | 84 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 224.7 | 198.2 | 191.0 | 196.9 | 192.1 | 162.5 | 162.8 | 184.6 | 209.7 | 232.7 | 236.0 | 219.2 | 2,410.4 |
Sanggunian #1: NOAA[4] | |||||||||||||
Sanggunian #2: Deutscher Wetterdienst (humidity, 1951–1967),[5] Meteo Climat (record highs and lows)[6] |
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Relihiyon
Ang Katedral ng St. Joseph sa lungsod ay ang archiepiscopal see ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Toamasina, kasalukuyang isang Metropolitan ng isang lalawigang eklesiastiko na may apat na supraganong mga diyosesis.
Imprastraktura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga serbisyong tubig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nangangasiwa ang Jirama sa pambayang serbisyo ng tubig sa lungsod. Umaasa ang karamihan ng populasyon sa pampribadong mga posong pitcher sa mga balon para sa pagkuha ng magagamit na tubig.[7]
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lungsod ay ang dulo ng riles para sa linyang daambakal papuntang Antananarivo. Pangunahing mga uri ng pampublikong transportasyon sa lungsod ang mga bisikletang rickshaw (tinatawag na pousse-pousse), mga traysikel (tuk-tuk), at mga taksi. Ang lungsod ay hilagang dulo ng Canal des Pangalanes.
Pinaglilingkuran ng Paliparan ng Toamasina ang lungsod, na may kaunting mga serbisyong panloob at pandaigdig. Pangunahing pantalang pandagat ng Madagascar ang Toamasina para sa pandaigdigang pagbabarko.
Mga pandaigdigang ugnayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kambal at kapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Magkakambal ang Toamasina sa:
- Saint-Étienne, Pransiya
- Le Port, Réunion[8]
Dating may isang kalye ang lungsod ng Holon na nakapangalang Kalye Tamatave (רחוב טמטב) noong dekada-1960, sa panahong mayroong magiliw na ugnayan ang Israel sa Madagascar. Kasunod ng pagpaslang ni Rehav'am Ze'evi noong 2001, binago ang pangalan ng kalye sa kaniya.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Estimated based on DEM data from Shuttle Radar Topography Mission
- ↑ Institut National de la Statistique, Antananarivo.
- ↑ 3.0 3.1 Chisholm 1911, p. 387.
- ↑ "Tamatave/Toamasina Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Klimatafel von Toamasina (Tamatave) / Madagaskar" (PDF). Baseline climate means (1961-1990) from stations all over the world (sa wikang Aleman). Deutscher Wetterdienst. Nakuha noong Abril 7, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Station Toamasina" (sa wikang Pranses). Meteo Climat. Nakuha noong Abril 7, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MacCarthy, Michael (2014), Low-Cost Household Groundwater Supply Systems for Developing Communities
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Le Port est jumelé à quatre villes portuaires Naka-arkibo 2015-09-08 sa Wayback Machine. (sa Pranses)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- dominyong publiko na ngayon: Chisholm, Hugh, pat. (1911). "Tamatave". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 26 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 387.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Ang artikulong ito ay nagsasama ng teksto mula sa isang lathalatin na nasa
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gabay panlakbay sa Toamasina mula sa Wikivoyage
- Map
- (sa Pranses) Unibersidad ng Toamasina Naka-arkibo 2006-12-31 sa Wayback Machine.
- (sa Pranses) Regional Tourist information office - Toamasina
- (sa Pranses) Regional Harbour of Toamasina Naka-arkibo 2012-01-26 sa Wayback Machine.
- (sa Pranses) https://web.archive.org/web/20170225132257/http://mairie-toamasina.mg/ Guaaling Panlungsod ng Toamasina ]
- (sa Pranses) http://www.adopt-tamatave.com/ Naka-arkibo 2019-06-22 sa Wayback Machine. Asosasyon ng mga katutubo ng Toamasina ]