Trakeya ng bertebrado
Ang trakeya ng bertebrado, tubong panghininga, tubo ng hininga, tubong panghangin o tubo ng hangin (Ingles: trachea, vertebrate trachea, o windpipe), na bagaman may pagkakamali ay natatawag ding "tatagukan" o "lalagukan"[1][2] ay ang mabutong tubo na nag-uugnay sa ilong at bibig papunta sa mga baga, at isa itong mahalagang bahagi ng sistemang respiratoryo ng mga hayop na naguguluguran. Nagsisimula ang trakeya roon sa pang-ibabang bahagi ng kahong pantinig o larynx at nagpapatuloy papunta sa mga baga, kung saan nagsasanga itong papunta sa kanan at kaliwang mga brongkyo (bronchi). Ang pamamaga ng trakeya ay maaaring humantong sa iba pang mga kalagayan, katulad ng trakeyitis, na pamamaga ng aporo ng trakeya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Trachea, tatagukan, lalagukan, lingvozone.com
- ↑ Windpipe, lalagukan, lingvozone.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.